Usap-usapan ngayon ang umano'y panunugod ng aktres na si Barbie Imperial sa Vivamax artist na si Debbie Garcia, na kitang-kita umano sa CCTV footage ng isang bar sa Quezon City, na naganap naman noong Biyernes ng gabi, Oktubre 28.

Ayon sa ulat ng isang pahayagan, sinugod daw ni Barbie si Debbie dahil sa selos. Nabalitaan umano ni Barbie na nakikipag-date si Debbie sa kaniyang ex-boyfriend na si Diego Loyzaga.

Makikita sa CCTV na naawat ng mga lalaki si Barbie at nailayo kay Debbie. Hindi pa malinaw kung sino ang lalaking naglayo kay Barbie kay Debbie.

Ayon sa mainit na "tsaa", hinawakan daw ni Barbie Imperial sa magkabilang braso si Debbie Garcia upang komprontahin, at dito na raw nagsimula ang murahan, talakan, at nagkaroon pa ng pisikalan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ipina-blotter na raw ni Debbie si Barbie at balak umanong sampahan ng reklamo. Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Barbie tungkol sa isyu.

Matatandaang nagsimulang umugong ang espekulasyong hiwalay na sina Diego at Barbie sa pagpasok ng Enero 2022.

Pebrero ng kinumpirma ni Diego na wala na nga sila ni Barbie.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/05/diego-loyzaga-at-barbie-imperial-hiwalay-na-nga/">https://balita.net.ph/2022/02/05/diego-loyzaga-at-barbie-imperial-hiwalay-na-nga/

Na-link pa nga si Diego sa dating Pinoy Big Brother housemate na si Franki Russell subalit pareho nilang itinanggi na may relasyon sila.