Patay ang isang lalaki nang tangayin ng malakas na agos ng tubig ang kanyang sinasakyang bangka at mahulog siya sa Wawa River sa Rodriguez, Rizal, nabatid nitong Martes.

Ang biktima ay nakilala lang na si Dominador dela Cruz.

Batay sa ulat ng Rodriguez Municipal Police Station, nabatid na dakong alas-2:00 ng hapon ng Linggo nang maganap ang insidente sa Wawa River, Sitio EEA, Brgy. San Rafael sa Rodriguez.

Ayon sa testigong si Herminio San Pedro, sakay umano ng kanyang bangka ang biktima nang bigla na lang itong tangayin ng malakas na agos ng tubig.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Dahil dito, nahulog ang biktima sa ilog at hindi na nakita pang muli.

Dakong alas-7:00 na ng umaga ng Lunes nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa Brgy. Sta. Ana, sa San Mateo, Rizal at dakong alas-9:20 naman nang nasabing araw nang maiulat ito sa pulisya.