Viral online ang komedyante ng Comedy Manila na si James Caraan matapos gawing inspirasyon sa kanilang Halloween theme an kontrobersyal na talent manager at vlogger na si Wilbert Tolentino.

Kuwelang caption nito sa kaniyang Facebook post, Lunes ng gabi, “

Happy Halloween mga Ka-Freshness!”

Kuhang-kuha ni Caraan ang brown polo, blue jeans at white shoes na full-getup ng talent manager sa isang larawan.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Maging ang pose nito ay intensyonal ding ginaya ng komedyante.

Agad namang nag-react sa laugh trip na Halloween peg ang maraming netizens dahilan para umabot na ito sa mahigit 16,000 reactions at 1,100 shares sa pag-uulat.

Nakarating maging kay Wilbert ang kuwelang panggagaya.

Basahin: ‘Ang Rebelasyon!’ Wilbert Tolentino, nagsiklab sa post ni Zeinab Harake, may isiniwalat laban sa kaniya – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Happy Halloween din Kafreshne!! Wala ka pong SS nalabas at resibo kaya indi mabubuo ang Word ng KafreshneSS na walang double S!” kuwelang komento ng talent manager sa viral post ni Caraan.

Matatandaan na naging kontrobersyal kamakailan ang manager matapos ang naging bangayan nila ng ilang online content creators, kabilang na si Zeinab Harake, na nauwi pa sa tila labasan ng kaniya-kaniyang baho online.

Balikan ang viral na kontrobersya sa istoryang ito:

Basahin: #BaliTaktakan: Timeline sa pagsagupa at paghupa ng bardagulang Wilbert Tolentino at Zeinab Harake – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid