Nais ng isang senador na makontrol ng Movie, Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga video at online games para na rin sa kapakanan at kaligtasan ng mga kabataan sa gitna ng patuloy na pag-usbong ng mga bagong teknolohiya.

Isinusulong ni Senator Sherwin Gatchalian ang Senate Bill No. 1063 (Video and Online Games and Outdoor Media Regulation Act) upang maamyendahan ang Presidential Decree No. 1986 na lumikha sa MTRCB. 

Lumalawak aniya ang paggamit ng teknolohiya sa Pilipinas kaya dapat na mabigyan ng kaukulang proteksyon at paggabay ang mga kabataan dahil sa hindi mabuting impluwensya at epektong maaaring idulot ng mga teknolohiya.

Bukod sa video at online games, iminungkahi rin ng senador na isailalim din sa regulasyon ng MTRCB ang outdoor media, kabilang ang mga advertising signs, Light Emitting Diode (LED) signs and billboards, ground signs, roof signs, at sign infrastructures.

National

OLALIA-KMU, iginiit karapatan ng mga manggagawa na makapag-unyon

Ipinagbabawal din ng naturang panukalang-batas ang pagbebenta ng anumang video game na may rating na “Adults Only" mula sa MTRCB. Pagbabawalan din ang mga menor de edad na bumili at tumanggap ng mga larong may rating na "Adults Only."

ReplyForward