Ibinahagi ng blogger-doctor na si "Doc Adam Smith" ang kaniyang naoobserbahang mga content ng vlogs na madalas tangkilikin at suportahan ng mga Pilipino, ayon sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Oktubre 31.

Aniya, "The most famous vlogs in the Philippines are mindless dumb pranks, tsismis or poverty porn."

"Bukod pa dyan these vloggers promote and sell unethical bs to their audience. gambling, networking companies and expensive vitamins or “weight loss” drinks are all commonly seen being promoted on their channels," dagdag pa niya.

Hindi naman niya naiwasang maihambing ito sa ibang bansa.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"In other countries, vloggers become famous for travel, food, commentating on topical issues, catching and debunking scammers, and science."

Kaya tanong niya, "When will the Philippine audience learn to appreciate content that offers them value? When will Filipinos stop wasting their lives consuming rubbish, mindless and at times harmful vlogs?"

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"True. That is why watching those vlogs is a waste of time."

"Wala ng chance Doc. Ang gusto lang namin ay tumawa nang tumawa Doc habang nagpapaputi, nagpapakinis at nagpapayaman."

"So true… some doing vlogs while exploiting their body to catch viewers… I think its time to set restrictions…"

"So true. Mostly garbage contents. And worst it can be watched by kids."

Kamakailan lamang ay pinag-usapan ang naging bardagulan ng kapwa vloggers na sina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/30/balitaktakan-timeline-sa-pagsagupa-at-paghupa-ng-bardagulang-wilbert-tolentino-at-zeinab-harake/">https://balita.net.ph/2022/10/30/balitaktakan-timeline-sa-pagsagupa-at-paghupa-ng-bardagulang-wilbert-tolentino-at-zeinab-harake/