Ibinahagi ng tinaguriang "Asia's Unkabogable and Phenomenal Star" Vice Ganda ang kuhang video niya kung saan makikita ang kaniyang "buwis-buhay" na performance sa isang event, na ibinahagi naman ng ilang mga tagahangang netizen.

Makikitang ibinitin at pinaikot-ikot si Meme Vice Ganda bilang bahagi ng kaniyang performance. Dinig na dinig naman ang hiyawan ng audience sa kaniyang buwis-buhay act sa isang bar sa Ortigas, Pasig City.

Isa sa mga netizen na nagbahagi nito ang nagbitiw ng biro kay Vice.

"Sinong makakapagsabing 57 ka na," caption nito.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Niretweet naman ito ng "It's Showtime" host at nilagyan ng pabirong caption.

"Bastos kang bata ka! Waaahhh! 🤪👊."

https://twitter.com/vicegandako/status/1586632064761487360

"Ang Saya!!! Buwis buhay Meme @vicegandako," saad naman ng isa pang netizen.

"Darna labas!!!" pabirong hirit ni Meme Vice.

https://twitter.com/vicegandako/status/1586632343154196482

Simula noong nakaluwag-luwag na ang mga polisiya kaugnay ng mga protocols sa pandemya ay muling nagbabalik sa pagpeperform at pagpapasaya ang mga celebrity na gaya ni Vice, sa Pilipinas man o sa ibang bansa.