Isa sa mga naging highlights sa showbiz noong buwan ng Oktubre ang naging bardagulan ng dating magkaibigan at kapwa vloggers na sina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake; bago pa man matuon ang atensyon ng publiko sa pananalasa ng bagyong Paeng, sila muna ang nagdulot ng "bagyo" sa online world na ilang araw ding pinagkapuyatan ng mga netizen.

Ngunit kagaya ng bagyong Paeng ay tila unti-unti na ring humupa ang pinag-usapang parinigan at batuhan ng putik sa pagitan ng dalawa, na nagpasiklab naman sa iba pang kapwa vloggers gaya ni Toni Fowler, at maging ng social media personality na si Xian Gaza. Ang tanong, gaano kalaki at kalawak ang naging pinsala nito sa bilang ng kani-kanilang followers at subscribers? Nalagasan ba sila?

Eksklusibong binalikan ng Balita Online ang kanilang naging bardahan at "kapatawaran" sa pamamagitan ng isang "timeline".

Oktubre 13, 2022- May cryptic Facebook post si Zeinab tungkol sa mga kaibigan at "nanay-nanayan" na kaibigan kapag kaharap subalit kapag talikuran ay "nanggagago" na. "Kaya kang lokohin ng kapwa mo babae, bading na akala mo inay-inay mo, mga tropang lalaki na akala mo may respeto sa'yo, mga tanders na matured kuno na tagapayo para mabilog ka, higit sa lahat, yung taong akala mong kakampi mo sa buhay eh kalaban mo naman pala talaga.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Screengrab mula sa FB ni Zeinab Harake

Oktubre 23, 2022- Bandang Linggo ng gabi ay naglabas ng isang Facebook Live/video ang talent manager na si Wilbert Tolentino na pinamagatan niyang "Ang Rebelasyon" kung saan isiniwalat niya ang iba't ibang resibo ng private conversation nila ni Zeinab, na nagpapakita kung paano raw nito pagsalitaan ang ilang vloggers kahit na kaibigan o malapit pa rito, tulad nina Jelai Andres (pinakasabaw raw sa kanilang lahat), Ivana Alawi, Sachzna Laparan, Makagago, Alex Gonzaga (malabong kausap at mas malakas pa raw siya), Donnalyn Bartolome, Sanya Lopez, Whamos Cruz, at Toni Fowler na tinawag umano niyang "trash". Nabanggit din umano ni Zeinab si Kapamilya TV host Robi Domingo, na hindi dapat i-collab dahil wala itong market. Nagsiklab ang kalooban ni Wilbert dahil marami raw ang nagsasabi sa kaniyang tila siya raw ang pinariringgan ni Zeinab sa kaniyang cryptic post.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/24/ang-rebelasyon-wilbert-tolentino-nagsiklab-sa-post-ni-zeinab-harake-may-isiniwalat-laban-sa-kaniya/">https://balita.net.ph/2022/10/24/ang-rebelasyon-wilbert-tolentino-nagsiklab-sa-post-ni-zeinab-harake-may-isiniwalat-laban-sa-kaniya/

Kasabay nito ay naglabas din ng kani-kanilang live/video sina Toni, Whamos, Sachzna, at maging si Zeinab upang mag-react sa mga pasabog ni Wilbert. Si Zeinab, isiniwalat naman niya kung anong klaseng kaibigan si Wilbert, at isa-isang sinagot ang mga ibinatong paratang sa kaniyang talent manager, lalo na ang paglalabas nito ng screenshots.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/24/wilbert-mapanumbat-raw-sa-mga-may-utang-na-loob-sa-kaniya-buwelta-ni-zeinab/">https://balita.net.ph/2022/10/24/wilbert-mapanumbat-raw-sa-mga-may-utang-na-loob-sa-kaniya-buwelta-ni-zeinab/

Si Whamos Cruz, sa halip na pumatol, ay idinaan na lamang sa biro ang lahat.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/24/product-na-nakakaganda-ng-ugali-whamos-cruz-nag-live-selling-na-lang-imbes-pumatol-sa-isyu/">https://balita.net.ph/2022/10/24/product-na-nakakaganda-ng-ugali-whamos-cruz-nag-live-selling-na-lang-imbes-pumatol-sa-isyu/

Nagngitngit naman si Toni Fowler na sinabihan siyang "trash" at ang ToRo family ni Zeinab kaya naglabas din siya ng rebelasyon patungkol kay Zeinab, noong sila pa ni Rob Moya at karelasyon pa nito si Skusta Clee o Daryl Ruiz. Bandang 10:06PM ay sinabi ni Toni na humingi na ng pasensya sa kaniya si Zeinab at pinatatawad na niya ito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/24/toni-fowler-pumalag-sa-ispluk-ni-wilbert-na-tinawag-na-trash-ni-zeinab-harake-ang-toro-family/">https://balita.net.ph/2022/10/24/toni-fowler-pumalag-sa-ispluk-ni-wilbert-na-tinawag-na-trash-ni-zeinab-harake-ang-toro-family/

Oktubre 24, 2022- Patuloy na pinag-usapan ang bardagulan nina Wilbert at Zeinab hanggang sa napa-react na rin dito ang iba't ibang vloggers at celebrities. "Sumawsaw" naman sa isyu ang "Pambansang Lalaking Marites" na si Xian Gaza at may mga rebelasyon din patungkol kay Wilbert.

Hinimok naman ni Madam Inutz si Zeinab, alaga ni Wilbert, na pangalanan na niya kung sinuman ang pinariringgan niya sa kaniyang cryptic post, kung hindi talaga ang kaniyang talent manager ang pinatutungkulan nito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/25/madam-inutz-aminadong-nasaktan-kay-zeinab-hinamong-pangalanan-ang-tinitira-sa-cryptic-post/">https://balita.net.ph/2022/10/25/madam-inutz-aminadong-nasaktan-kay-zeinab-hinamong-pangalanan-ang-tinitira-sa-cryptic-post/

Naging trending din ang "TRUST NO ONE" sa Twitter dahil sa mga nangyari.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/25/trust-no-one-trending-sa-twitter-dahil-sa-mainit-na-bardagulang-wilbert-zeinab/">https://balita.net.ph/2022/10/25/trust-no-one-trending-sa-twitter-dahil-sa-mainit-na-bardagulang-wilbert-zeinab/

Oktubre 25, 2022- Pumalag si Wilbert sa mga rebelasyon ni Xian at pinag-live ang kaniyang abogado upang balaan ang online personality na mag-public apology o magsasampa siya ng cyber libel case dito.

"Inokray" naman ni Xian Gaza ang abogadong pinaharap ni Wilbert. Kumambyo naman si Xian at sinabing hindi si Wilbert ang tinutukoy niya sa kaniyang expose kundi ibang tao.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/25/biglang-kabig-rebelasyon-blind-item-ni-xian-gaza-di-raw-tungkol-kay-wilbert-tolentino/">https://balita.net.ph/2022/10/25/biglang-kabig-rebelasyon-blind-item-ni-xian-gaza-di-raw-tungkol-kay-wilbert-tolentino/

Sa araw ding ito, humingi ng public apology si Zeinab sa lahat ng mga nasangkot na vloggers at celebrities sa pinag-usapang rebelasyon.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/25/walang-palusot-zeinab-harake-humingi-ng-dispensa-sa-kapwa-vloggers-celebs-followers/">https://balita.net.ph/2022/10/25/walang-palusot-zeinab-harake-humingi-ng-dispensa-sa-kapwa-vloggers-celebs-followers/

Muli rin niyang nilinaw na hindi si Wilbert ang pinatatamaan niya sa kaniyang Facebook post.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/26/zeinab-muling-nilinaw-hindi-si-wilbert-pinatatamaan-sa-cryptic-post-na-naging-mitsa-ng-gulo/">https://balita.net.ph/2022/10/26/zeinab-muling-nilinaw-hindi-si-wilbert-pinatatamaan-sa-cryptic-post-na-naging-mitsa-ng-gulo/

Kinagabihan, bagama't wala siyang direktang pinangalanan ay nag-post si Wilbert ng tungkol sa "pagpapatawad".

"Forgiveness is a gift to humanity to attain peace. Masarap sa pakiramdam at sa kalooban na walang puot at hinanakit sa sarili at sa kapwa. Moving forward is not a straight line, there we’ll be curves in the long run. Pero willing ko po itong tatahakin," ani Wilbert.

Sa isa pang Facebook post ay pinasalamatan niya ang mga kaibigan at kakilalang nagpakalma at nag-comfort sa kaniya.

Oktubre 26, 2022- Naglabas ng panibagong vlog si Zeinab na may pamagat na " "My 9 year old me asked me a question". Naglabas na rin ng vlogs si Wilbert na nagtatampok kina Herlene Budol at Madam Inutz at tila humupa na rin ang nagsiklab na emosyon.

Sa halos apat na araw na ingay ng pagsagupa at paghupa nito ay marami umanong napagtanto ang mga netizen, gaya na lamang daw nang pagpili sa mga kaibigang pagsasabihan ng mga lihim sapagkat baka dumating ang araw na ma-expose din ang mga screenshots na sa pribadong mensahe o group chat lamang pinag-uusapan.

Isa pa, dapat daw ay mas maging maingat pa sa mga binibitiwang salita laban sa ibang tao, kung hindi naman ito haharapin at kayang panindigang sinabi o hindi sinabi.

Marami rin ang napapatanong na netizen at nang-iintriga kung totoo ba ang away na ito o "forda content" lamang dahil mabuti man o masama ang content, collaboration man o solo, good vibes man o bad vibes, sila-sila rin umano ang kikita o makikinabang.