Nakansela ang basketball game ng Philippine Basketball Association dahil sa pananalasa ng bagyong Paeng nitong Sabado, Oktubre 29.

Kaya naman sa halip na madismaya, idinaan na lamang sa biro ni PBA player Paul Lee sa biro ang lahat, sa pamamagitan ng kaniyang "pilyong" Instagram post.

Ibinahagi na lamang niya ang litrato ng kaniyang misis na si Rubie na nakasandal sa kaniyang balikat.

"Cancelled daw yung game, parang hindi naman 🤣🤣🤣 Wifey got me covered 🤣🤣🤣," caption niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Umarangkada naman sa comment section ang mga netizen na na-gets ang kaniyang mapanuksong post, gayundin ang kaniyang mga team mate katulad ni Rafi Reavis, na nagkomento ng laughing emojis.

Narito naman ang iba pang reaksiyon at komento:

"Classic Paul Lee Post."

"1 on 1 > 5 on 5."

"The best ka talaga master!!"

"Career high to malamang."

"Iba ka talaga MVP!"