Nagpasalamat ang direktor at manunulat ng pelikulang "Maid in Malacañang" na si Darryl Yap dahil hindi pa man daw natatapos nang buo ang script, trending na sa Twitter ang pelikulang "Martyr or Murderer" o MoM.

Bukod dito, ibinalita rin ni Yap na kompleto na ang casting niya para sa pelikula. Mayroon nang gaganap bilang "Young Ferdinand", "Young Imelda", at "Young Ninoy".

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Iikot umano ang kuwento ng MoM kay dating Senador Ninoy Aquino at kung ano ang kaugnayan niya sa mag-asawang Ferdinand at Imelda Marcos, lalo na sa huli.

Sa isa pang Facebook post, sinabi ni Yap na sina Ninoy Aquino at Pete Cojuangco, kapatid ng kaniyang misis na si dating Pangulong Cory Aquino, ay naging manliligaw ni Imelda. Hindi raw ito alam at kilala ng karamihan, na sinasabing matutunghayan sa naturang pelikula.

"Ninoy Aquino & Pete Cojuanco; dalawa sa halos isang daang manliligaw ni IMELDA MARCOS."

"Kilala nyo si NINOY, pero si PETE na kuya ni Cory Aquino, Hindi. #MARTYRorMURDERER #MoM," ayon sa direktor.

Ipalalabas ang MoM sa 2023, at inaabangan na ng taumbayan kung sino ang gaganap na Ninoy Aquino, na sinasabing naging bahagi ng buhay ni Queen of All Media Kris Aquino, bunsong anak nina Ninoy at Cory.