Tila may pinatatamaan ang aktres na si Agot Isidro sa kaniyang latest tweets, matapos ang pag-trending sa paghahanap ng mga tao kung nasaan si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Paeng sa bansa nitong Oktubre 29.

Lumutang ang isyung nasa Japan daw si PBBM at ang kaniyang pamilya dahil virtual lamang ang naging pag-preside nito sa isinagawang emergency meeting ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) at ilan pang mga opisyal, kaugnay ng bagyo. Dito ay nadismaya pa nga ang pangulo dahil sa dami ng napaulat na casualties sa rehiyon ng BARMM.

Screengrab mula sa Twitter

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Bukod dito, napansin din ng ilan ang background ng pangulo habang nasa Zoom meeting. Hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng mga netizen ang disenyo ng mga kasangkapan sa likod nito, na tila raw wala sa Pilipinas ang pangulo. Sabi ng mga netizen ay nasa bansang Japan daw ito.

Aniya sa kaniyang tweet, "Japan Japan. Sagot sa Kahirapan."

https://twitter.com/agot_isidro/status/1586517749194690563

Sa isa pang tweet, ""Just Always Pray At Night."

https://twitter.com/agot_isidro/status/1586517151539933184

Pinuri din ni Agot ang personal na pagtungo ni South Korean President Yoon Suk-yeol sa tragic site ng stampede sa isinagawang Halloween Party sa Seoul.

"(South) Korean President Yoon Suk-yeol seen here visiting the tragic site of the stampede that killed 151 people last night," ani Agot.

https://twitter.com/agot_isidro/status/1586591127356190720

Narito naman ang ilan sa mga naging reaksiyon at komento ng mga netizen.

"Samantalang ang presidente ng Pilipinas ay hindi man lang bumisita sa Mindanao na isa sa nagpanalo sa kaniya…"

"Kaya pala so quick to proclaim 31st of Oct as another holiday para maka-holiday at maka-boost tourism daw. Strategy ba ng mga duterte to make du30's presidency more appealing than the current?"

"Kung wala siya sa Japan, nasa'n siya? Still wala pa rin siyang kawala.

Samantala, nilinaw naman ni Office of the Press Secretary officer-in-charge (OIC) Cheloy Garafil na hindi totoong nasa Japan ang pangulo.

"Wala po siya sa Japan," ani Garafil.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/30/pbbm-wala-raw-sa-japan-garafil/">https://balita.net.ph/2022/10/30/pbbm-wala-raw-sa-japan-garafil/

Hindi naman tinukoy ni Garafil kung nasa Pilipinas ba o nasa ibang bansa nga ba ang pangulo sa mga oras na ito.