Ibinahagi ng dating ABS-CBN news anchor na si Korina Sanchez ang teaser ng kaniyang panayam sa dating kasamahang si Karen Davila, para sa "Korina Interviews" na mapapanood sa NET25, sa darating na Oktubre 30.

Mapapanood sa ">teaser ang tanong ni Korina kay Karen kung bakit lagi silang pinag-aaway at pinatatapat ng mga tao, simula nang mag-ober da bakod si Karen sa ABS-CBN noong 2000.

Aminado naman si Karen na sa halos 22 taon niya sa Kapamilya Network, ngayon lamang sila nabigyan ng pagkakataong magkaharap ni Korina sa isang panayam. "Takot" umano si Karen kay Korina, na muntik nang makapagpabuga sa iniinom na kape ng interviewer.

"Masyado kang nakakatakot noon," pagbubunyag ni Karen. "So hindi kita nakakausap…"

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Pagdidiin pa ni Karen, "Nakakatakot po talaga siya noon, 'wag i-deny! At 'wag i-cut!"

"Hindi natin ika-cut!" natatawang turan naman ni Koring.

Naisagawa ang mismong panayam sa mismong tahanan ni Karen.

Labis-labis naman ang pasasalamat ni Karen kay Korina, ayon sa kaniyang Instagram post.

"AND…THIS HAPPENED 🙌🏼 After my 22 years in ABSCBN, the iconic Korina Sanchez and I sit down for a one on one interview for the FIRST TIME - and it was non stop laughter 😅," aniya.

"Thank you @korina @net25tv for having me! I treasure this experience and had such a wonderful afternoon with you! I had so much fun!!! Grateful! ALL IN GOD’s GOOD TIME."

Marami naman ang nasasabik nang mapanood ang tapatan ng dalawang iconic at legends pagdating sa broadcasting sa bansa.