Pinasalamatan ni Annabelle Rama ang kaniyang mga kaibigan at mag-asawang dating Senador Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao matapos umano siyang regaluhan ng "pangkabuhayan birthday gift" para sa kaniyang kaarawan.

Ayon sa Instagram post ni Annabelle nitong Oktubre 28, hindi umano nakadalo sa kaniyang birthday party ang mag-asawa, dahil abala si Manny sa pag-eensayo para sa kaniyang exhibition fight.

"To my idol, peoples champ, and my loyal BFF, Sen. Manny Pacquiao and Jinkee Pacquiao you missed my birthday party. Naiintindihan ko busy ka preparing for your exhibition fight on Dec. 11, 2022," ani Annabelle.

"Anyway, thank you so much sa pangkabuhayan birthday gift. ❤️ Thank you Manny and Jinkee for your generosity. 💝 I've been praying for you both na tuloy-tuloy ang swerte na dumating sa inyo. 🙏🏻 Good health for you and your family 😘 God bless you! 😇."

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Hindi na idinetalye ni Rama kung ano ang nilalaman ng "pangkabuhayan birthday gift".

Samantala, marami naman ang nakapansing blooming si Bisaya sa kaniyang bagong hairstyle, matapos itong mapansin ng mga netizen, habang nagsasagawa ng unboxing sa isang mamahaling regalo.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/29/bagay-at-lalong-bumata-tingnan-mga-netizen-aprub-sa-bagong-hairstyle-ni-annabelle-rama/">https://balita.net.ph/2022/10/29/bagay-at-lalong-bumata-tingnan-mga-netizen-aprub-sa-bagong-hairstyle-ni-annabelle-rama/

Isa si Annabelle sa mga celebrity na nagpakita ng suporta sa kandidatura ni Pacquiao sa pagka-pangulo ng bansa noong nagdaang halalan.

Samantala, nagpasalamat naman si Annabelle sa naging matagumpay na birthday party niya.

"I would like to thank my friends and my sponsors for my birthday party last night, it was a huge success! I just woke up. Napuyat ako last night. Ayaw pang umalis ang mga guests ko, nag enjoy daw sila. Sa lahat ng nagpunta maraming maraming salamat. Especially sa mga superstar na hindi niyo laging nakikita sa mga parties. Sa lahat ng nag perform, Vina Morales, Karla Estrada, Sarah Lahbati, and Angeline Quinto. Sa sexy dance Regine Tolentino, and my surprise guest singer, my apo, Venice Bektas."

"Ang galing! Pwede na kitang i-manage — hindi ako mapapahiya. I would like to thank my friends and my sponsors for making my milestone birthday celebration a huge success."