Na-carnap ng ‘di pa nakikilalang mga suspek ang 1996 Mitsubishi Montero ni Kapuso actor Khalil Ramos.

Ito ang ibinahagi pareho ng aktor at kaniyang girlfriend na si Gabbi Garcia sa kani-kanilang social media post, Biyernes.

Ang silver-green na sasakyan ay may plate number na MTR-168 at huling namataan madaling araw nitong Huwebes sa Greenfields 1 Subdivision Gate 2 Novaliches, Quezon City.

Dagdag na detalye ni Khalil, mayroong roof rail, awning tent, at off-road tires ang naturang sasakyan.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Para sa makapagbibigay ng detalye ukol sa ninakaw na sasakyan, mangyaring tawagan ang mga numerong 0966-348-5863.

Ayon sa website ng Top Gear Philippines, aabot ng mahigit P1.5 million ang halaga ng na-carnap na sasakyan.

Nitong Pebrero nang unang iflex ng aktor ang sasakyan sa social media. Nakasama na rin sa ilang camping trips ng pamilya ni Khalil ang mamahaling sasakyan.

Sa pag-uulat, wala pang bagong update ang aktor ukol dito.