Kinansela na ang ilang biyahe ng eroplano dahil sa banta ng bagyong Paeng nitong Biyernes.

Sa pahayag ng Manila International Airport Authority (MIAA), kabilang sa kinansela ang flight na DG 6177 Manila-Masbate at 6178 Masbate-Manila, DG 6179 Manila-Masbate at 6180 Masbate-Manila, at DG 6111 Manila-Naga at 6112 Naga-Manila ng CebGo.

Nakansela rin ang mga biyaheng 5J 703 Manila-Dipolog at 704 Dipolog-Manila ng Cebu Pacific.

Pinayuhan ng MIAA ang publiko na hintayin na lamang ang abiso sa mga susunod na araw hinggil sa sitwasyon.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Isinagawa ang pagkansela ng biyahe para na rin sa kaligtasan ng mga pasahero.