Muli na namang bigong maiuwi ng isang Pinay beauty queen ang mailap na golden crown ng Miss Grand International matapos ang kamakailang Top 20 finish ng manok ng bansa ngayong taon na si Roberta Tamondong.

Sunod-sunod na pagkabigo sa tatlong international pageants ang tinamo ng tatlo nang Binibining Pilipinas queens kamakailan kabilang na sina BBP Globe Chelsea Fernandez at BBP Intercontinental Gabrielle Basiano.

Basahin: Roberta Tamondong, bigong mauwi ang korona ng Miss Grand International 2022 – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Lalo pang nadismaya ang Pinoy fans matapos umabot lang sa semifinals si Roberta sa kabila ng malakas nitong performance sa kamakailang finals night ng MGI sa Indonesia.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Maging si Miss Universe 2018 Catriona Gray ay naglabas ng saloobin sa bigong pagpasok ni Roberta sa Top 10.

“She deserved so much better. [She] performed so well. I’m so proud,” ani Catriona sa isang Instagram comment.

Sa isang IG live kasama si Binibining Pilipinas Universe 2014 Mary Jean Lastimosa, may good news naman si Roberta sa dismayadong fans.

“’Wag na kayo malungkot guys. Let’s move on. Let’s focus on the next goal,” anang 20-anyos na beauty queen.

Tila next target naman ni Roberta ang prestihiyusong Miss Universe.

“Abang-abang na lang kayo. Suportahan niyo lang. Hindi ba pwedeng mag-turnover muna ang BBP?” sey ni MJ sa live kasama ang young beauty queen.

“Magka-calibrate muna siya. ‘Pag ready na siya, makikita niyo na lang ulit siya. Surpresahin na lang kayo,” dagdag ni MJ habang sumasang-ayon si Roberta.

Nauna na ring hinikayat ng fans sina Chelsea at Gabrielle na parehong sumabak sa Miss Universe Philippines.

Basahin: Waray beauty queens Gabrielle at Chelsea, hinikayat na sumabak sa Miss Universe PH – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid