Matatandaan ang naging viral na pamamakyaw noon ni Megastar Sharon Cuneta sa Louis Vuitton matapos hindi papasukin sa isang Hermès store sa Seoul, South Korea.

Sa kaniyang latest YouTube vlog noong Miyerkules, dahil sa demand umano ng kaniyang subscribers, ibinahagi ng aktres ang kaniyang unang unboxing content tampok ang parehong mga pinamili sa luxury brands na Prada at LV sa hallyu capital.

Narito ang listahan ng eksaktong produktong naibahagi sa vlog ng aktres kalakip ang katumbas na presyo ayon na rin sa ilang official online stores.

PRADA

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

1. Saffiano and Metal Keychain Trick -- P 24,153.20

2. Saffiano Leather Robot Trick Keychain – P 28,134.32

3. Large Saffiano Leather Wallet – P 46, 207.36

4. Saffiano Emboss Leather Wallet – P 48, 443.20

5. Re-Nylon and Saffiano Leather Shoulder Bag – P 90,178.88

6. Re-Edition 2005 Re-Nylon Mini Bag – P 66, 665.30

7. Prada Duet Re-Nylon Shoulder Bag – P 86, 893.56

LOUIS VUITTON

1. Louis Vuitton Sarah Wallet – P 62, 069.07

2. Louis Vuitton Zippy Wallet – P 39, 156.07

3. Louis Vuitton Berlingot Bag Charm and Key Holder – P 41, 766.48

4. Louis Vuitton Capuccines BB – P 417,664.80

5. Louis Vuitton Capuccines MM – P 432, 167.05

6. Louis Vuitton Hooded Wrap Coat – P 327,750.85

Tinatayang aabot sa kabuuang P1,711,253.07 ang mga napamiling gamit ni Mega. Wala pa rito ang isa pang bag na Prada na wala sa kanilang online store.

Samantala, nauna nang nilinaw muli ng aktres sa parehong vlog na hindi siya nagalit o nagyabang sa guard ng Hermès matapos hindi makapasok sa kanilang botique.

Basahin: ‘Hindi naman po ako bobo’: Megastar, may bagong paglilinaw ukol sa viral Hermès incident – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Di po ako nagalit. Hindi po ako na-offend. Naintindihan ko agad yung guard. Wala namang kinalaman yung guard, ba’t naman sasama yung loob ko?” dagdag ng aktres.

Aniya pa, nagkataon lang na katapat ng tindahan ang Louis Vuitton dahilan para makakita siya aniya ng mga bagong kulay, at kalauna'y maakit na mamakyaw.

“Napabili nga po ako doon [LV]. Paglabas namin, hindi rin ako nagyabang. Sabi ko, ‘I cannot go? Look, I buy everything,’ yung ginanun ko lang siya pero nakangiti ako,” ani Shawie.

&t=1192s