Nagsalita si Karla Estrada hinggil sa isyung hiwalay na ang showbiz couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o KathNiel.

Sa recent Instagram post ni Karla, sinagot niya ang komento ng isang netizen na humihiling ng paglilinaw kung talaga bang hiwalay na ang KathNiel.

View this post on Instagram

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Tita karla please enlighten us na hindi totoo na break ang kathniel or my prob sila po... my naglalabasan po kasing mga comments sa tiktok dahil lang sa pagsabi ni dj na si summer ang definition ng pinaka loyal niya," sey ng netizen.

Agad naman itong sinagot ng TV host, "WALANG KATOTOHANAN!!!"

Dahil sa sagot ni Karla, tila nabunutan ng tinik sa puso ang fans ng showbiz couple.

Matatandaang usap-usapan kamakailan angmakahulugang mga sagot ng KathNiel sa tanong na kung ano sa kanila ang ibig sabihin ng “loyalty," sa naganap na finale press conference ng kanilang teleseryeng “2Good 2 Be True” o 2B2T.

“Loyalty for me is being contented,” sagot ni Kathryn.

“Because if you are contented, you will not look for… anymore person.”

Kapag daw kuntento ka sa isang bagay o tao, doon na makikita ang loyalty. Kapansin-pansin naman ang tila pagpipigil na mapaluha ni Kathryn.

Bago magbigay ng kaniyang sagot ay matagal na nag-isip si Daniel. Sagot ni DJ, ang nakikita raw niya ang depinisyon ng loyalty sa kaniyang alagang aso.

“Kahit anuman ang pinagdaraanan ko ngayon, kung anuman ang sitwasyon o emosyon ko sa ngayon,kung sino ako ngayon, tatanggapin niya nang buong-buo… iyon ang loyalty,” ani Daniel. “Walang judgment…”

Kitang-kita ang makahulugang tinginan at facial expression sa mukha ng dalawa. Tinapik-tapik pa ni Kathryn ang kamay ni DJ at kapansin-pansin ang tila pagpikit-pikit nang mariin ni Kath.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/10/27/sagot-tungkol-sa-loyalty-palaisipan-sa-fans-netizens-kathniel-may-pinagdaraanan/