Hindi naglabas ng kaniyang "live" ang Kapuso actress at vlogger na si Jelai Andres, sa kabila ng isyung sinabihan daw siyang "sabaw" ng kaibigang si Zeinab Harake, ayon sa rebelasyon ng nakaalitan nitong si Wilbert Tolentino noong Oktubre 23 ng gabi, na hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa ring pinag-uusapan dahil sa pagkakadawit ng iba pang vloggers.

Basahin: ‘Ang Rebelasyon!’ Wilbert Tolentino, nagsiklab sa post ni Zeinab Harake, may isiniwalat laban sa kaniya – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ngunit may isang basher na tila "tinalakan" si Jelai at tila paladesisyong nagsabing nagalit daw siya kay Zeinab nang sabihan siyang "sabaw", eh totoo naman daw ito.

Anang basher, "Kung tunay mo siyang kaibigan dapat naiintindihan mo siya. Tapos bakit ka naman magagalit sabihan ng pinakasabaw, e klaro nga lutang kayong lahat pero mas ikaw lang pinakalutang. At bakit di lang naman kayo ang lutang madami naman halos lahat tao lutang. Jusko para yan lang na salita. Partida na-post-partum pa yun nung sinabi niya yan. Sabagay di ka makakarelate ng PPD kasi di ka naman nanganak."

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Agad naman itong ibinahagi ni Jelai sa kaniyang Facebook post at kinomentuhan.

"Hala teh ikaw ata lutang ano nangyayare sayo? Nagagalit ba ko? San mo nakuha yan? Ok na ok po ako wala akong inaaway. Love love lang gusto ko. Wala akong galit both sides. Bat tinatalakan mo ko dyan? Dinamay pa neto yung di ako maka relate kasi wala akong anak. Aba ate naman dami kong anak 100 na aso 40 na pusa normal ko lahat inire yon!"

"Pa check ka te baka ikaw binat. Help kita seryoso ko. Masyado kang highblood jan inom ka po kaya pinakuluang bawang na may medyas at tansan. Effective po yun. Ako nga chill lang bakit ka nagagalit sakin may utang po ba ako sayo? Pa albularyo ka kaya te?"

Samantala, nag-sorry na si Zeinab kay Jelai at sa iba pang vloggers at celebrities na nadamay sa isyu.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/25/walang-palusot-zeinab-harake-humingi-ng-dispensa-sa-kapwa-vloggers-celebs-followers/">https://balita.net.ph/2022/10/25/walang-palusot-zeinab-harake-humingi-ng-dispensa-sa-kapwa-vloggers-celebs-followers/