Isa ang "Pambansang Lalaking Marites" na si Xian Gaza sa mga "sumawsaw" sa isyu ng bardagulan nina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake, na humantong pa sa pagbabanta ng talent manager na kakasuhan ito ng cyber libel kung hindi magpa-public apology.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/24/xian-gaza-kinampihan-si-zeinab-may-this-serve-as-a-big-lesson-for-you/">https://balita.net.ph/2022/10/24/xian-gaza-kinampihan-si-zeinab-may-this-serve-as-a-big-lesson-for-you/

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/25/xian-pinatos-maging-ang-abogado-ni-wilbert-tinawag-na-mukhang-barker-sa-quiapo/">https://balita.net.ph/2022/10/25/xian-pinatos-maging-ang-abogado-ni-wilbert-tinawag-na-mukhang-barker-sa-quiapoa>

Sa kaniyang latest Facebook post ay ibinahagi ni Xian ang isang screengrab kung saan mababasang tila may nagre-request sa kaniyang magbigay naman ng opinyon tungkol sina Flow G at Pastillas Girl.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Ani Xian, hindi umano niya titirahin sa publiko ang kaniyang mga kaibigan.

Maaari umanong pagsabihan niya ang mga ito sa pribadong paraan subalit hindi umano niya isisiwalat ang mga ito sa social media.

Nagkomento naman dito ang kontrobersiyal na CEO ng beauty product ng "Rosmar Skin Essentials" na si Rosemarie Tan Pamulaklakin o Rosmar Tan.

"Buti na lang safe ako," sey ni Rosmar, na ang tinutukoy ay ang pagiging malapit kay Xian.

Tumugon naman si Xian at sinabing mapalad si Rosmar dahil may "Nyeamunnity" siya mula sa Pambansang Lalaking Marites.

Pero sa dulo, tila inalaska pa ni Xian ang kaibigan dahil aniya, "BRB bili lang ako sa Brilliant Skin."

Screengrab mula sa FB ni Xian Gaza

Ang Brilliant Skin ay pagmamay-ari ni Glenda Victorio, na kamakailan lamang ay napabalitang nagbabalak na magsampa ng kaso sa isang taong naninira laban sa kaniya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/11/ceo-ng-beauty-products-na-si-miss-glenda-victorio-magsasampa-ng-kaso-sa-taong-naninira-sa-kaniya/">https://balita.net.ph/2022/10/11/ceo-ng-beauty-products-na-si-miss-glenda-victorio-magsasampa-ng-kaso-sa-taong-naninira-sa-kaniya/

Bagama't walang tinukoy kung sino, hinuha ng mga netizen na ito ay si Rosmar dahil sa mga naging patutsadahan nila kamakailan.

Tila hindi naman natinag si Rosmar at handa umanong makipag-ubusan ng laCash.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/11/ubusan-ng-cash-rosmar-tan-wafakels-sa-kasong-isasampa-raw-sa-kaniya-magdedemanda-rin/">https://balita.net.ph/2022/10/11/ubusan-ng-cash-rosmar-tan-wafakels-sa-kasong-isasampa-raw-sa-kaniya-magdedemanda-rin/

Ang huling update dito ay nagsabi si Rosmar na magbabago na siya at tatawaging "Rosemarie Tan" dahil sa request ng kaniyang mister.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/12/rosmar-magbabago-na-raw-para-sa-pamilya-si-rosemarie-na-makikita-ninyo-hindi-na-si-rosmar/">https://balita.net.ph/2022/10/12/rosmar-magbabago-na-raw-para-sa-pamilya-si-rosemarie-na-makikita-ninyo-hindi-na-si-rosmar/