Sa kabila ng mga sigalot at iringan sa pagitan ng vloggers at online personalities, good vibes ang hatid ng social media influencer na si "Ninong Ry" matapos niyang paglutuan ng pagkain ang mga preso sa isang bilangguan, na ibinahagi niya sa kaniyang social media platforms nitong Oktubre 26.

Makikita sa video na sinadya ng kaniyang team ang isang bilangguan sa San Juan City upang paglutuan sila.

Padilla, binara si Castro kontra VP Sara: 'Ipagpaliban muna maduming pulitika!'

Tuwang-tuwa naman ang mga "persons deprived of liberty" o PDL (mas akmang tawag sa mga taong nasa piitan) dahil sa sinabi ni Ninong Ry na paglulutuan niya ang mga ito.

"As per San Juan City Jail DISCLAIMER : ANG PAMUNUAN NG SAN JUAN CITY JAIL AY MAHIGPIT NA IPINAPATUPAD ANG MINIMUM HEALTH PROTOCOL SA MGA PANAUHIN ALINSUNOD SA PATAKARAN NG IATF AT LAHAT AY NAGNEGATIBO SA ANTIGEN TEST."

"ANG MGA PERSONS DEPRIVED OF LIBERTY (PDL) NA NAKASAMA SA VIDEO NA ITO AY NAGBIGAY NG KANI-KANILANG PAHINTULOT (CONSENT)," paglilinaw ni Ninong Ry.

Nakasama niya rito ang dating Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 housemate na si Karen Bordador.

Narito ang mga reaksiyon at komento ng mga netizen:

"Ninong Ry well Done ninong Ry ! Food is life pero higit sa food ang binigay mo sa mga nasa jail pinasaya at binigyan mo cla Ng pag asa. Salute po and Sana sunod mga SENIORS and mga BATANG ORPHAN Nman ang MApasaya at Mabusog mo . 😊💗💗💗 God bless and spread more delicious Foods kindness . 😊"

"Ninong Ry napakaSOLID neto💪🏻 Eto ung vlog na may katuturan💯 Pinanis mo ung mga reveal reveal."

"Ninong Ry one of the best vlogs I have witnessed in your history. May this touch more hearts and spread kindness to one another, lalo ngayong magpa-Pasko."

"Ganitong mga vlogger dapat suportahan, may kabuluhan ang kanilang ginagawa."

"Ninong Ry this is the best of the best na vlog na pinanood simula pandemic. Dapat tawagin si Ninong Ry na The most sensible Influencer for lifetime sa category ng mga bloggers and influencers. Looking forward ako sa next cityjail na lulutuan mo."