Pumanaw na ang Iranian man na tinaguriang "dirtiest man in the world" sa edad na 94, ayon sa ulat ng state media noong Martes, Oktubre 25.
Si Amou Haji, ilang dekada nang hindi naliligo, ay pumanaw noong Linggo, Oktubre 23 sa nayon ng Dejgah, isang lugar sa southern province ng Fars.
Ayon sa isang lokal na opisyal, iniiwasan ni Haji na maligo dahil sa takot na "magkasakit."
Ngunit sa kauna-unahang pagkakataon, ilang buwan ang nakalipas, pinaliguan ito ng mga lokal doon at dahil dito nagkasakit umano si Haji at namatay noong Linggo, ayon sa IRNA news agency.
Noong 2014 sa panayam ni Haji sa Tehran Times, naniniwala siya na ang pagiging malinis ay nagdudulot sa kaniya ng sakit o karamdaman.
Ayon sa kuwento, noong kabataan niya ay na-inlove umano ito sa isang babae, ngunit tinanggihan siya nito na naging isa sa mga dahilan kung bakit pinili niyang mamuhay mag-isa.
Umalis siya sa lugar kung saan nakatira ang kaniyang pamilya. Natutulog siya sa mga grave-like hole sa lupa o ‘di kaya'y minsan sa itinayong dilapidated shack ng mga lokal doon.
Umiinom siya ng 4-6 na litrong tubig kada araw, ito raw ang sikreto para mapanatili ang kaniyang kalusugan ngunit ang iniinuman niya ay isang marumi at kinakalawang na lata. Mahilig din siyang manigarilyo, binibigyan siya ng mga dumadaang tao at kapag naubos ito, ang natuyong dumi ng hayop naman ang hinihithit niya gamit ang kaniyang lumang pipe.
Ayon pa sa panayam, wala umano siyang pakialam kung nababalot na siya ng dumi. Kahit na kasing kulay na niya ang kaniyang paligid at minsan ay napagkakamalang estatwa dahil sa kaniyang kulay.