Hindi nakalimutan ng mga tagasuporta nina Tom Rodriguez at Carla Abellana ang kanilang wedding anniversary. Kaya naman sa mismong naging araw ng kanilang kasal noong Oktubre 23 ay binati si Tom ng mga netizen sa kaniyang Instagram video post habang nagda-drive papuntang Las Vegas.

Paano ba naman last year lang naganap ang kanilang pag-iisang dibdib ngunit sad to say napunta lang sa wala. So fresh pa rin sa mga netizen ang failed relationship ng dalawang Kapuso stars.

Naging ganoon man ang kinahantungan ng marriage nila ay hangad pa rin ng mga tagasuporta nina Tom at Carla na magkaroon ng second chance. Ang iba naman ay nais maging magkaibigan pa rin ang dalawa.

Pero ang saklap nga lang ng naging sagot ni Tom sa isang comment ng netizen na "Though far from each other but hope and pray that your spirit is still One….stay safe and surround yourself with good people who will lead you to the right path and of course, GOD as the center of your life. God loves you and so is Carla who loves you. Happy 1st wedding anniversary… there is a happy ending."

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Sinagot ito ni Tom na ayaw na niyang ipabanggit sa netizen ang pangalan ni Carla sa kaniyang socmed. Sey niya, "Wag na po natin ibanggit ang name dito sa page ko. Thank you. We are no longer together and are moving onto own paths."

Pero sa tinuran ni Tom mukhang naroon pa rin ang sakit sa nangyari sa kanila ni Carla. Bagamat ayaw ipabanggit ang pangalan ng estranged wife diretso pa rin ang pagbati ng mga netizen sa kanilang wedding anniversary at pag-mention sa pangalan ni Carla.

Kamakailan lamang, muling iflinex ni Tom ang kaniyang pagbabalik-alindog sa gym, hudyat na unti-unti na siyang bumabalik sa limelight at nakaka-move forward na.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/18/kapuso-actor-tom-rodriguez-nagbabalik-alindog-aktibo-na-ulit-sa-gym/">https://balita.net.ph/2022/10/18/kapuso-actor-tom-rodriguez-nagbabalik-alindog-aktibo-na-ulit-sa-gym/

Yun na!