Usap-usapan pa rin online ang agaw-pansing Edward Scissorhands- at Black Swan-inspired na Halloween getup nina Kapuso love team Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega sa kauna-unahang Halloween party ng Sparke GMA Artist Center kamakailan.

Isa sa mga scene-stealer sa naganap na Sparkle Spell Halloween Party noong Linggo, Oktubre 23 ang Kapuso love team.

View this post on Instagram

A post shared by Maria Ysabel Ortega (@ysabel_ortega)

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Sa pagtutulungan ng kanilang creative team sa pangunguna nina Mackie Combe, stylist; Janica Cleto, makeup artist; at Mark Familiaria, hairstylist; kuhang-kuha ni Miguel ang temang 1990 American fantasy romance film na “Edward Scissorhands” at ni Ysabel ang isang karakter sa 2010 American psycho-thriller na “Black Swan.”

Sa serye ng kanilang Instagram posts, parehong hinangaan maraming netizens ang Kapuso love team.

“Kung may best in costume award definitely goes to these two wonderful people,” komento ng isang netizen.

“This should have been the best dressed for male and female.”

“Excellent transformation! Edward Scissorhands is one of my fave films. Fan of Natalie Portman here!”

“Galing ng make up artist kuhang kuha nya yung mukha ni Johnny Depp!”

“Wow galing gayang gayang niya si Edward Scissorhands!”

Ilang kapwa Kapuso stars din ang pumuri sa on-point na Halloween costume ng dalawa.

Sa isang ulat ng Sparkle, sa loob lang ng 24 oras, umabot umano sa 80 million total views online ang unang Kapuso Halloween party sa pagtatala gamit ang pinagsamang online influence ng Sparkle artists.