Number 7 na sa trending list ng YouTube ang maaalab na eksena nina Joshua Garcia at Janella Salvador sa "Mars Ravelo's Darna: The TV Series" dahil sa kanilang pinag-usapang kissing scene, na hindi naman napaghandaan ng mga manonood noong Oktubre 24 ng gabi.

1,324,756 views na rin ito simula noong mai-ere ito.

Binansagan pa tuloy ang Kapamilya heartthrob na "Higop King".

Sa eksena, makikitang biglang hinalikan ng karakter ni Joshua na si "Bryan" na isang pulis ang karakter na si "Regina Vanguardia/Valentina" na ginagampanan ni Janella Salvador. Wala nang nagawa si Regina kundi ang magpaubaya dahil may gusto siya sa binata.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Joshua Garcia at Janella Salvador (Screengrab mula sa YT Channel)

Ngunit siya rin ay tila napapansin at nagtataka sa mga kakaibang ikinikilos nito. Hindi niya alam, ang naturang karakter ay isa lamang "ekstra" na nagpapanggap lamang.

Nawindang naman ang mga netizen sa naturang eksena at binansagan naman si Janella bilang "Janella 'Pinagpala' Salvador" lalo na ang mga "nakapila" sa Kapamilya actor, o ang kaniyang mga masugid na tagahanga. Tinapos na raw ni Janella ang pila!

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng mga netizen.

"Grabe yung higop ni Joshua kay Janella hahahaha sana all!"

"Kainggit naman si Janella hahahaha. Sana labi na lang akez…"

"Makalaplap naman si Joshua hahahaha sana kami rin!!!"

"The 1st lips to lips scene of joshnella. Unexpected!"

"Joshua and Janella stepped up this time. Did not expect this."

"Hindi ako makahingaaaaa Juswaaaa!!!! Tapakan mo ko!!!!"

May ilan pang muling inilayag ang "JoshNella" o dating tambalan nina Joshua at Janella sa teleseryeng "The Killer Bride".

Samantala, hinangaan din ng mga netizen ang fighting scenes ni Jane De Leon bilang Darna sa episode na ito.

Tanong ng marami, paano naman kaya ang kissing scene nila ni Darna na ginagampanan ni Jane De Leon?

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/25/joshua-hinigop-si-janella-mga-nasa-pila-windang/">https://balita.net.ph/2022/10/25/joshua-hinigop-si-janella-mga-nasa-pila-windang/