May paalala ang isa ring vlogger-influencer-komedyanteng si "Beki Mon" sa mga kapwa vloggers at influencers na nag-aaway-away at dinadala pa sa social media ang kanilang bardagulan, sa kasagsagan ng isyu sa pagitan ni Wilbert Tolentino at Zeinab Harake.

Sinariwa din ni Beki Mon ang mga nagdaang panahong kakaunti pa lamang ang Pinoy YouTubers at influencers sa bansa.

Aniya, "Hoooy mga influencers!!!! Tigil-tigilan n'yo ang away hahahaha. Noong kami pa lang ang YouTubers at influencers sa Pilipinas, wala pang nag-aaway away noon. Awwww kakamiss din ang mga naunang YouTubers and influencers. 🙂 Jobert, Alodia, ako, Jamich, Jireh Lim hanggang sa era ni Lloyd Cadena, Kimpoy Feliciano, Petra Mahalimuyak, Moymoy Palaboy's lip sync and dubs, Mikey Bustos…. Haaayst."

National

Signal No. 3, itinaas na sa 2 lugar sa Luzon dahil sa bagyong Nika

"Panahong hindi pa uso masyado ang smartphones na may pre-installed YouTube. Para mapanood n'yo kami, rerenta pa ng computer sa computer shop tapos maasim na yung amoy ng foam ng headphones nila hahahahaha nakakamiss good old days," pananariwa ni Beki Mon.

Sa isa pang Facebook post, sinabi ni Beki Mon na matapos daw niyang bala-balansihin ang lahat, isang YouTuber ang para sa kaniya ay dapat panigan.

"After ko bala-balansehin kung kanino ako papanig na side, kay Jelai Andres tayo!" aniya.

Ibinahagi rin ni Beki Mon na noong kasagsagan daw ng pagla-live ng mga sangkot na vloggers sa isyu, sinabihan daw niya si Jelai na huwag nang makisabay, dahil makakadagdag lang siya sa ikapupuyatan ng mga "Marites".

Sa ngayon, ang latest update ay humingi na ng tawad si Zeinab Harake sa lahat ng vloggers at celebrities na nakaladkad ang pangalan sa isyu.

Nilinaw din niyang hindi si Wilbert Tolentino ang pinatatamaan niya sa kaniyang cryptic Facebook post noong Oktubre 13, na siyang pinagsiklaban ng damdamin ng talent manager.