Ipinuwesto ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang anak ni dating Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade bilang bagong general manager ng Manila International Airport Authority (MIAA).

Si Jose Arturo Tugade ay uupo na bilang general manager at chief executive officer ng MIAA.

Miyembro na rin ng board of directors ng MIAA si Tugade.

Nitong Miyerkules, kinumpirma ni Office of the Press Secretary (OPS) officer-in-charge Cheloy Garafil ang pagkakatalaga sa puwesto ni Tugade.

National

Makabayan bloc, pinuna balak ni FPRRD na maging abogado ni VP Sara: 'Desperate political maneuver!'

Ang naturang bagong opisyal ng MIAA ay bunsong anak ni Tugade na kalihim ng DOTr sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.