Naghahangad ng P13 hanggang P14 kada metro kubiko na pagtaas ng singil sa tubig na ilulunsad sa susunod na limang taon ang Concessionaire Maynilad Water Services Inc. (Maynilad), ibinunyag ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) nitong Martes, Oktubre 25.

Ani Eduard Santos, miyembro ng Board of Trustees-Local Water Utilities Administration at dating MWSS chief regulator, iminungkahi ng Maynilad na itaas ang singil nito sa P3.29 para sa 2023, P6.26 para sa 2024, P2.12 para sa 2025, P0.84 para sa 2026, at P0.80 para sa 2027.

“What this tariff means for our consumers is that starting January 2023, for those who use below 10 cubic meters (m3), there will be an increase of P12.62 per month, P5.28 for those using 10 m3, P20.35 for those using 20 m3, and P41.77 for those using 30 m3,” ani Santos.

Idinagdag niya na, para sa 2026 at 2027, magkakaroon ng P0.17 at P0.21 difference, ayon sa pagkakasunod, depende sa pagkumpleto ng isang proyekto ng MWSS.

Bilang ng operasyon ng POGO sa bansa, bumaba sa 17 bago matapos ang 2024

Ang iminungkahing P0.84 at P0.80 na pagtaas para sa 2026 at 2027 ay maaaring ituring na “delayed implementation”. Gayunpaman, kung ito ay bumilis, ang P0.17 at P0.21 difference ay idadagdag, na magreresulta sa P1.01 na pagtaas sa mga taon na inihayag.

Nagsagawa ng pampublikong konsultasyon ang MWSS nitong Martes, Okt. 25, 2022, sa mga customer ng Maynilad.

“The respective proposed increase rates by our two concessionaires, Manila Water and Maynilad, is an indicative tariff that will still be discussed by the board of trustees,” ani MWSS Chief Regulator Atty. Patrick Ty.

“We do rate rebasing and public consultation drives every five years in order to raise awareness for the participants and stakeholders to know what is happening and to know the performance of the two concessionaires. We are pushing for transparency, accountability, and public participation,” dagdag niya.

Ang Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ay ang water and wastewater services provider para sa 17 lungsod at munisipalidad na binubuo ng West Zone ng Greater Metro Manila area.

Ang susunod na pampublikong konsultasyon para sa Maynilad ay gaganapin sa Miyerkules. Oktubre 26, 2022, sa Las Piñas.

Joe Priela