Hindi nagpahuli ang komedyante-online seller na si Daisy Lopez a.k.a. "Madam Inutz" sa "pakikisawsaw" sa kinasasangkutang isyu ngayon ng talent manager na si Wilbert Tolentino, at sa kapwa vlogger nitong si Zeinab Harake, matapos ang pinag-usapang rebelasyon nito noong Linggo, Oktubre 23, 2022.

Pabirong hirit ni Madam Inutz, napuyat din siya sa pagtapos na mapanood ang "revelation" ng kaniyang talent manager na si Wilbert Tolentino, hinggil sa mga pasabog nito laban kay Z.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Isa rin kasi siya sa mga nabanggit ni Wilbert na umano'y sinabihan ni Zeinab na malalaos din kaagad, matapos pumatok ang kaniyang trending na online live selling kung saan siya unang nakilala, bago sumabak sa pag-aartista.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/24/ang-rebelasyon-wilbert-tolentino-nagsiklab-sa-post-ni-zeinab-harake-may-isiniwalat-laban-sa-kaniya/">https://balita.net.ph/2022/10/24/ang-rebelasyon-wilbert-tolentino-nagsiklab-sa-post-ni-zeinab-harake-may-isiniwalat-laban-sa-kaniya/

Sa kaniyang TikTok video, ibinahagi ni Madam Inutz ang tila puyat niyang awra dahil sa panonood sa live ng kaniyang TM, at sa iba pang live ng vloggers na sangkot sa isyu.

Sa isa pang hiwalay na live nito lamang Oktubre 24 ay buo ang suporta at pagtatanggol ni Inutz para sa kaniyang talent manager.

Aniya, marami raw negosyo si Wilbert kaya huwag sanang bigyan ng malisya ang source of income nito.

May hamon naman si Madam Inutz kay Zeinab, na kung talagang hindi raw si Wilbert ang pinatatamaan niya sa pinagpiyestahang cryptic post nito, mabuti pang pangalanan na niya ito, tutal naman daw ay "Zeinab Harake" na siya. Itong cryptic post kasi na ito ang puno't dulo ng pa-rebelasyon ni Wilbert.

Matatandaang sa umpisa pa lamang ng live ni Zeinab ay pinagdiinan na niyang hindi si Wilbert ang pinariringgan niya sa naturang cryptic post.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/24/inaano-ko-ba-kayo-zeinab-bumuwelta-sinupalpal-mga-paratang-ni-wilbert-laban-sa-kaniya/">https://balita.net.ph/2022/10/24/inaano-ko-ba-kayo-zeinab-bumuwelta-sinupalpal-mga-paratang-ni-wilbert-laban-sa-kaniya/

Aminado rin si Madam Inutz na nagtampo siya sa mga nasabi ni Zeinab tungkol sa kaniya.

"Mas magaling ka nga lang sa akin pero hindi ako ganyang klaseng tao.

Nagbigay rin siya ng mensahe para kay Zeinab.

"Ako Z, wish ko sa 'yo, sana huwag kang manghusga ng kapwa mo lalong-lalo na kung hindi mo pa nakakaharap ito. Lalong-lalo na kung hindi mo naman ako personal na kakilala, ikaw, hindi kita hinusgahan kasi alam ko nasaktan ka eh. Nanay rin ako eh… hindi kita hinusgahan, pero nakasakit ka ng damdamin ng iba."

"Accept mo yung kamalian mo nasaktan mo 'ko, nasaktan mo yung iba nating kapwa vloggers, nasaktan mo yung kapwa natin YouTuber… kahit paano nakasakit ka talaga."

Kahit hindi raw nag-sorry sa kaniya nang personal si Zeinab, okay lang daw sa kaniya kasi nga raw ay "mababa siyang tao" at may edad pa.

"Wish ko lang maging okay na yung lahat, magkaroon tayo ng peaceful mind, ayaw ko na rin kasi makasakit ng iba."

Nagpayo rin si Madam Inutz sa mga kagaya niyang vloggers o content creators.

"Piliin na lang nating maging tahimik… kung talagang good influencers tayo," aniya.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Zeinab tungkol sa mga binitiwang pahayag ni Madam Inutz.