Tila may pinatututsadahan ang online personality na si Valentine Rosales tungkol sa "mga kaibigang backstabbers" na hindi naman tinukoy o hindi naman pinangalanan.

Sa kasagsagan ito ng mainit na bardagulan sa pagitan ng dating magkaibigang vloggers na sina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake. Tila nagparinig siya sa isang taong "backstabber".

Sa isa pang Facebook post, sinabi ni Valentine na darating daw ang panahong mismong kaibigan ang "titira" sa likod at masakit daw ito.

"Balang araw kaibigan mo din ang titira sayo sa likod. Believe me Masakit talaga!"

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Screengrab mula sa FB ni Valentine Rosales

Tila binigyan naman ito ng ibang kahulugan ng ibang netizen.

"Bat kayo tumatawa napaka dumi niyo talaga mag isip Hayufff," hirit ni Valentine.

May payo pa siya para sa lahat.

"Wag na kayo maki-Marites, kung ako sa inyo unsend n'yo na lahat ng masamang sinabi n'yo sa GC at Convo sign niyo na to!"

Screengrab mula sa FB ni Valentine Rosales

Samantala, ayon sa kaniyang latest Facebook post ay tumaas daw ang respeto niya kay Zeinab dahil kaya nitong tumanggap ng kaniyang pagkakamali. No-no naman daw at ekis sa mga taong tutulong pero mapanumbat naman.

"Ekis sa taong tutulong tapos i-susumbat. Hilig pa mag-screenshot. Very backstabber ng peg Amaccana Accla. Dun tayo sa marunong humingi ng Kapatawaran at umamin sa pagkakamali."

"Tumaas respeto ko sayo Zeinab. Lahat ng tao nagkakamali pero hindi lahat kaya umamin at humingi ng dispensa. Malalagpasan mo rin yan Girl.

Screengrab mula sa FB ni Valentine Rosales

Matatandaang sinita ni Valentine si Zeinab noon matapos lumabas ang bali-balitang sinipa nito ang kaibigang si Aira Mae Lipata sa loob ng isang club, sa kasagsagan ng isyu tungkol sa relasyon umano nito sa dating partner ni Z na si Skusta Clee o Daryl Ruiz sa totoong buhay.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/28/valentine-rosales-umalma-kay-zeinab-karate-bakit-kailangan-mo-sipain-yung-friend-ko/">https://balita.net.ph/2022/05/28/valentine-rosales-umalma-kay-zeinab-karate-bakit-kailangan-mo-sipain-yung-friend-ko/