Naglabas ng opisyal na pahayag ang kalihim ng Department of Education at Vice President Sara Duterte hinggil sa umano'y isyu ng "Martial Law rebranding" o historical revisionism sa mga paaralan, ngayong Oktubre 25, 2022.

Nag-ugat ito sa isyu ng isang social media post ng isang mag-aaral mula sa Marinduque tungkol sa Martial Law, na makikita sa kaniyang learning module.

Narito ang buong pahayag ni VP/DepEd Sec. Sara:

"October 25, 2022 – Katulad ng milyon-milyon nating mga kapwa Pilipino, alam ko po ang kahalagahan ng Martial Law at EDSA Revolution sa ating kasaysayan bilang isang bansa."

National

Sen. Imee sa bangayang PBBM-VP Sara: ‘Ipagdasal natin sila!’

"Bilang bata, hindi ko mabilang ang mga yellow pages sa directory ng telepono na ginupit ko para gawing confetti ng mga Yellow Friday Movement demonstrations sa pangunguna ni Soledad Duterte, ang aking yumaong lola, sa Davao City. Mukhang mas marami tayong ambag sa mga pagkilos laban sa Martial Law kaysa sa ilang maiingay na anti-Marcos ngayon."

Bilang Education Secretary, wala po sa aking mandato ang pagsira sa integridad ng ating kasaysayan. At ang Department of Education — na kasalukuyang abala sa mga programang naglalayong maiangat ang kalidad ng basic education sa Pilipinas — ay walang panahon para sa historical revisionism na pilit na iginigiit ng ilang mga anti-Marcos groups."

Una nang nasabi ng DepEd Spokesperson na hindi totoo ang sinasabing rebranding ng ating kasaysayan. At inuulit ko ang sinabi ni Atty. Michael Poa: hindi totoo ang rebranding."

"The terms New Society/Bagong Lipunan and Martial Law are both historical facts. It is a historical fact that New Society refers to the program launched by Former President Ferdinand Marcos Sr. during his administration. And it is another historical fact that Martial Law refers to the 14-year rule of the former President."

"Both terms have been used in DepEd textbooks since 2000 — within their proper context."

"DepEd is not in the business of erasing these facts and replacing them with something else."

"Ang social media post ng isang learner mula sa Marinduque ukol sa paggamit ng isang DepEd module na may katagang New Society ay makikitang nakatutok lamang sa iisang linya. Hindi ipinakita ang buong pahina ng module. Ibig sabihin, kulang ito sa konteksto at maaari itong baluktutin ayon sa naratibo ng mga bumabatikos sa DepEd at nagpapakalat ng kasinungalingan tungkol sa rebranding at historical revisionism."

"Ang buong pahina ay malinaw na tumatalakay sa mahabang panahon ng batas militar o Martial Law at ng EDSA Revolution.

Hinihikayat ko ang lahat na mag-ingat sa mga pagkilos na malisyoso at naglalayong pag-alabin ang mga damdamin ng ating mga kababayan laban sa Martial Law gamit ang DepEd."