"Talk of the town" ngayon sa lahat ng social media platforms ang latest video ng pa-rebelasyon ng talent manager-online personality na si Wilbert Tolentino laban sa kaniyang kaibigan at kapwa vlogger at online personality na si Zeinab Harake, dahil lamang sa isang cryptic post.

Tila nagliyab ang kalooban ni Wilbert dahil marami umano ang nagpapadala sa kaniya ng personal message tungkol sa naturang patutsada ni Zeinab hinggil sa mga "manggagamit".

"Nakita naman ninyo ang post ng aking mentor, si Momshie Zeinab," ani Wilbert sa kaniyang video na naka-upload sa kaniyang YouTube channel kahapon ng Linggo, Oktubre 23.

Marami umanong mga nagmamalasakit sa kaniya ang nagpapadala ng screenshots ng kaniyang itinuturing na isa sa mga "mentor" sa larangan ng vlogging, na anila ay patutsada sa talent manager nina Madam Inutz at Herlene "Hipon Girl" Budol.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Ibinahagi pa ni Wilbert ang screenshot ng tinutukoy niyang parinig ni Zeinab, na bagama't walang binanggit na pangalan, ay ipinagpalagay na isa siya sa pinariringgan, dahil sa nakalagay na "bading na akala mo inay-inay mo". Ang ipinupunto ni Zeinab sa kaniyang cryptic post ay walang dapat pagkatiwalaan kahit itinuturing mong kaibigan ang isang tao: na mabait kapag nakaharap subalit "ginagago" ka naman sa talikuran.

Marami raw nagta-tag sa talent manager na isa raw siyang "Wilbert user" at masakit daw sa damdamin niya ang mga paratang na ito. Masama ang loob ni Wilbert dahil pinabayaan daw ni Zeinab na pagpiyestahan ang pangalan ng mga vloggers na itinuturing na malalapit kay Zeinab.

Pagsisiwalat ni Wilbert, talaga namang malaki ang utang na loob niya kay Zeinab dahil isa ito sa mga nakatulong sa kaniya upang mapabuti niya ang vlogging; ngunit ipinagdiinan ni Wilbert na may natatanggap na bayad umano si Zeinab mula sa kaniya, at nang mag-hit naman ang kaniyang vlog ay nagtuloy-tuloy na itong "magdikta" kung anuman ang iko-content niya.

Na-appreciate din ni Wilbert na marami din namang naipakilalang YouTubers si Zeinab sa kaniya, upang makapagsagawa sila ng "collab" o collaboration; sa kabilang banda, marami rin aniyang mga vloggers na gusto sana niyang maka-collab subalit "hinaharang" daw nito.

Nireveal din ni Wilbert na napagkakitaan umano ni Zeinab si "Hipon Girl" nang ipakilala niya ito sa kaniya, matapos ang panayam ni Toni Gonzaga sa "Toni Talks". Hindi raw alam ni Herlene na "napagkakitaan" na raw siya ni Zeinab nang i-refer ni Zeinab si Hipon Girl kay Wilbert.

Sa kasagsagan din umano ng kasikatan ni "Madam Inutz" sa kaniyang online selling, hindi raw umano gustong makipag-collab dito ni Zeinab dahil "mawawala" rin daw ang interes ng mga netizen sa kaniya. Ipinagdiinan ni Wilbert na hindi basta-basta nakikipag-collab sa ibang vloggers si Zeinab "kung wala namang mapapala" rito. Natatakot aniya itong maagawan o malipatan ng subscribers.

Tila threatened din umano si Zeinab sa dalawa dahil mga komedyante sila, at naiisip niyang baka mawalan siya ng followers o subscribers kapag nakipag-collab sa mga ito.

"Yun ba sa tingin n'yo, good influencer 'yun?" sey ni Wilbert.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/24/ang-rebelasyon-wilbert-tolentino-nagsiklab-sa-post-ni-zeinab-harake-may-isiniwalat-laban-sa-kaniya/">https://balita.net.ph/2022/10/24/ang-rebelasyon-wilbert-tolentino-nagsiklab-sa-post-ni-zeinab-harake-may-isiniwalat-laban-sa-kaniya/

Marami pa aniyang mga vloggers na gusto sanang maka-collab ni Wilbert ang hinarang daw ni Zeinab gaya nina Makagago, Makagwapo, Whamoz Cruz, Toro Family, at maging si Toni Fowler. Tinawag daw ni Zeinab na "trash" ang mga ito.

"Lahat ng nabanggit ko, sinabi niya ay trash. Just imagine mo, trash! Once na makipag-collab daw ako, tatablahin daw ako ng lahat."

"Lahat 'yan inintindi ko sa'yo, Zeb. Ang taas at nilo-look up kita. Hindi ko alam bakit umabot tayo sa ganoon," saad pa ni Wilbert.

"There are some vloggers na nakipag-collab ako, nakita ko naman na hindi naman pala totoo yung chika niya sa akin dahil nakikita ko yung paninira," giit pa ni Wilbert.

Pati ang TV host na si Robi Domingo ay nadamay sa isyu, nang ipakita ni Wilbert ang screenshot kung saan sinabi ni Zeinab na hindi raw "market" si Robi kaya huwag i-collab.

"Oh wow, How true?" reaksiyon ni Robi sa kaniyang tweet.

https://twitter.com/robertmarion/status/1584189500258861056?ref_src=twsrc%5Egoogle%7Ctwcamp%5Eserp%7Ctwgr%5Etweet

Kaugnay nito, naglabas na rin ng kani-kanilang mga reaction video ang binanggit at nadamay na vloggers gaya nina Whamoz Cruz, Sachzna Laparan, at Toni Fowler.