Pinatulan ni Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda ang isang tweet ng netizen na nagsabing baka totoo ang mga kumakalat na tsikang hindi sila okay ng co-host ng noontime show na "It's Showtime" kaya wala siya sa grand finals ng "Miss Q&A Kween of the Multibeks" noong Sabado, Oktubre 22, 2022.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/22/vice-ganda-nag-sorry-matapos-hanapin-ng-madlang-netizens-sa-miss-qa-queenfinity-war/">https://balita.net.ph/2022/10/22/vice-ganda-nag-sorry-matapos-hanapin-ng-madlang-netizens-sa-miss-qa-queenfinity-war/

Anang netizen na nagkomento tungkol sa kaniyang pag-absent, "Ano ba problem ms vice? Bakit natitiis mo Kaming nga followers mo at ang viewers ng showtime. Finals last Saturday siguro naman kahit may shooting pwede Kang payagan ng producer na mag absent kahit one day Lang. Siguro nga totoo na Hindi na kayo ok ng mga cast ng showtime."

Niretweet naman ito ni Vice Ganda at tila naging sunod-sunod ang pagsagot niya sa mga isyung ipinupukol sa kaniya at sa pagitan ng It's Showtime co-hosts.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

"Totoo po lahat ng mga nasa isip n'yo. Wala naman po talagang dahilan kung bat ako absent last sat. Tinamad lang ako talaga. At totoong may mga issues kami ngayon sa showtime. Ang cast at ang direktor. At oras na para ipaalam ko sa inyo ang mga nangyayari para matapos na," ani Vice.

https://twitter.com/vicegandako/status/1584409666272256001

"Una, TOTOONG MAGKAAWAY KAMI NI ANNE. Matagal na tong alitan na to na di naayos. Its been 13yrs na di maresolve ang issue kung sino samin ang chaka. And last week nga ay umabot na sa sampalan. Nalunok nya ang kamay ko at till now di ko pa nababawi. I hate anne for life!"

https://twitter.com/vicegandako/status/1584409975933534208

"Pangalawa, last week nagsapakan si Jhong at si Ion. Magpartner kasi sila sa Magpasikat at hirap na hirap si Ion na magchoreo dahil mabagal pumick up ng sayaw si Jhong. Di makuha ni Jhong ang step ng LintikNaPagIbig at napikon na si Ion at nagpang abot sila."

https://twitter.com/vicegandako/status/1584410095940947969

"Pangatlo, NAGMURAHAN SI TEDDY AT RYAN SA STUDIO. Nagpakulot kasi si Teddy sa Salon ni Ryan. Nangako si Ryan na maganda ang kalalabasan nito. Pagtapos magpakulot ay dumiretso na si Teddy sa studio ng masaya naman. Pagkita ni Ryan ay nagsorry ito. Ayun minura sya ni Teddy."

https://twitter.com/vicegandako/status/1584410143810555904

"At eto na nga ang pang apat at pinakamalaking issue na kinakaharap ngayon ng showtime. Sinubukan nilang itago ito pero alam ko namang lalabas din sa takdang oras. Madlang People…….nabuntis ni Direk Jon Moll si Jugz."

https://twitter.com/vicegandako/status/1584410261695627264

Ibinida rin ni Vice Ganda na magkakaroon na siya ng contract signing.

"Ayan po ang mga dahilan ng mga away at kaguluhan sa showtime. Tama ang mga nasa isip nyo. Kaya naman tamad na tamad nakong pumasok. At dahil dyan gusto ko ng magresign. At dahil gusto ko ng magresign ay may contract signing po ako next next week. Ok na po?? Happy?? 🤪."

https://twitter.com/vicegandako/status/1584410332369674240

Sa huling tweet ay tila nangako si Vice na babalik na siya sa noontime show.

"Happy 13’th Anniversary It’s Showtime!!! See u Wednesday! Miss u and love u!!!"

https://twitter.com/vicegandako/status/1584410628844048384