Nakipagsabayan din sa Facebook Live ang isa pang vlogger-online personality na si Toni Fowler hinggil sa bardagulan nina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake, kung saan, nabanggit ng una na tinawag daw na "trash" ng huli ang "ToRo family", nang pinag-iisipan daw ng talent manager na makipag-collab sa kaniya.

Ayon sa Facebook Live ni Toni, matutulog na raw sana siya subalit hindi niya mapapalampas ang pagkakadawit sa usaping ito. Aniya, hindi naman daw siya makikisawsaw kung hindi nabanggit ang kaniyang pangalan at kaniyang pamilya.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Sa inilabas na video ni Wilbert, nabanggit niyang hindi umano basta-basta nakikipag-collab si Zeinab sa ibang vloggers, kung wala naman siyang mapapala rito. Ang ilan sa mga nabanggit nito ay sina "Makagwapo", "Makagago", "Whamoz Cruz", at "Toni Fowler". Maging ang TV host na si Robi Domingo ay nasabihan din aniya ni Zeinab na "walang market".

Sinabi ni Zeinab na kaya ayaw niyang maka-collab si Toni ay dahil kaibigan niya si Kapuso actress at isa ring vlogger na si Jelai Andres. Matatandaang nagkaroon ng isyu noon sa relasyon nina Jelai at Jon Gutierrez dahil kay Toni.

Sa video naman ni Toni, naungkat nito ang umano'y nagawang kasalanan sa kaniya ni Zeinab noong 2018.

Sa latest update naman ni Toni ay humingi na raw ng tawad sa kaniya si Zeinab, at "apology accepted" naman daw.

"Humingi na ng pasensya.. Apology accepted Zeinab. Naiintindihan kita. Sa umaasang mag la-live ako WALA NA PO AKONG DAPAT SABIHIN. ok na po lahat."