Kaniya-kaniyang eksena ang Kapuso stars at iba’t ibang personalidad sa kauna-unahang Halloween Ball ng Sparkle GMA Artist Center na naganap nitong Linggo ng gabi, Oktubre 23 sa Xylo at The Palace sa Bonifacio Global City.

Kabilang sa mga rumampa sa red carpet ang social media personality na si Sassa Gurl na nagbihis online seller na may kasama pang ring light at mga paninda.

"As an online seller tayo sa GMA Halloween party," caption ni Sassa Gurl sa kaniyang Facebook post.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa ekslusibong panayam ng Balita Online kay Sassa Gurl, ibinahagi nito ang inspirasyon niya sa kaniyang costume.

‘Ang atake ko lang diyan is online seller, very simple lang ang outfit cause I want to showcase yung kakapalan ko ng mukha sa red carpet char and beside, ang first rule in fashion is, the first thing you wear is confidence. Lastly take ko na din ang chance to tell people and mga nakshit ko to support small scale business specially ang mga friends nating online seller na nag start lang ng pandemic,’ saad ni Sassa.

Sa kaniyang social media accounts naman ibinahigi ng content creator na nanalo siya ng ‘Female TikTok Crowd Favorite’ award sa pagtatapos ng gabi.