Isa si Whamos Cruz sa mga pangalang nadawit sa isyu nina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake, pero imbes na pumatol ay idinaan na lang niya sa pagbebenta ng skin care product ang Facebook live niya nitong Linggo ng gabi, Oktubre 23.

Matatandaang hot topic ngayon sa social media ang latest video ng talent manager-online personality na si Wilbert Tolentino matapos niyang magsagawa ng “rebelasyon” tungkol sa kapwa vlogger at online personality na si Zeinab Harake, dahil lamang sa “parinig post” ng huli.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/24/ang-rebelasyon-wilbert-tolentino-nagsiklab-sa-post-ni-zeinab-harake-may-isiniwalat-laban-sa-kaniya/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/10/24/ang-rebelasyon-wilbert-tolentino-nagsiklab-sa-post-ni-zeinab-harake-may-isiniwalat-laban-sa-kaniya/

"NANAHIMIK LANG AKO DITO EH PINAGLALIVE NIYO KO," saad ni Whamos sa caption ng Facebook live niya. 

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Mapapanood sa nasabing live ang pagbebenta niya ng skin care products na negosyo nila ng kaniyang partner na si Antonette Gail.

Kuwela rin niyang binabasa ang mga komento ng mga netizen na talaga nga naman nakatutok mula nang magpasabog si Wilbert. Bukod kasi kay Whamos, nag-Facebook live rin sina Toni Fowler, Sachzna Laparan, Zeinab Harake, atbp. 

Sinusundutan din ni Whamos ng mga banat ang mga sinasabi niya sa FB live na base sa mga nasabi umano ni Zeinab tungkol sa kanila. Gayunman, sa kabila ng mga isyu, magpapatuloy pa rin si Whamos sa mga ginagawa nila.

"Pagpasensyahan n'yo na nitong gabi... basta guys tuloy tayo kahit anong mangyari sabihin man sa akin ng ibang tao kung anuman ako... go push. Pasok sa puso ko 'yan... mahal na mahal ko kayo kahit i-bash ninyo ako. Kahit anong sabihin ninyo sa akin sobrang mahal ko kayo," sey ni Whamos.

"Maraming salamat sa mga naniniwala sa amin at sa patuloy na pagsuporta sa amin. Huwag kayo mag-unsubscribe wala akong kasalanan dito," biro pa niya.

"Mag-order na kayo para gumanda 'yung ugali, panlabas tsaka panloob. Ito lunukin n'yo 'to [lotion] puputi ang loob n'yo."

Samantala, may mensahe naman ang social media personality kay Wilbert.

"Mommy Wilbert, support kami sa kahit anong magiging genre mo. Mapa-vlogger ka man o hindi, nandito kami para sa inyo," aniya.

"At syempre sa mga vloggers, guys support kami sa inyo. Alam ni Mommy Toni 'yan pati ni Tim Sawyer kung gaano namin pinangangalagaan at pinahahalagahan lahat ng mga YouTuber dito sa Pilipinas, maliit man o malaki, basta suportahan natin. Ito lang 'yung masasabi ko sa inyo, basta kapag alam n'yong umaangat ang isang tao, gawin n'yong inspirasyon kasi baka susunod kayo naman yung umangat," payo naman niya sa mga aspiring vloggers.