Usap-usapan ngayon sa social media ang maternity photoshoot ng isang couple mula sa Cebu City.

Sa Facebook post ng JM Sanchez Photography, tampok sa nasabing photoshoot ang couple na sina Nath Abaquita at Patcho Jacaba, na pinatunayang hindi hadlang ang pagiging lesbian at beki sa pag-iibigan at pagbuo ng pamilya.

Ngayong magiging magulang na, isang mainit na mensahe ang iniwan ni Abaquita sa kanyang kasintahan.

Aniya, sobrang nagpapasalamat siya na nakilala niya si Jacaba.

Human-Interest

Concerts, certified stress reliever ayon sa psychologist?

"I don't know where to start because there are so many things running through my mind, but all I know is that I'm so grateful to meet you. Thank you for understanding my cantankerous attitude even though we always fought, we still comprehend to say sorry to each other. We started as friends until we didn't realize that we fell for each other," ani Abaquita.

Pagbabahagi pa ni Abaquita, pinag-isipan nilang mabuti kung isasapubliko ba nila ang kanilang relasyon dahil pinangunahan sila ng takot mula sa mga panunukso at panghuhusga ng ibang tao dahil sa kanilang kasarian.

Sa tulong ng mga taong sumuporta sa kanila, naglakas-loob na nga silang isapubliko ang kanilang relasyon.

Ngayon, inaasahan nila ang pagkakaroon ng kanilang lalaking anak na maituturin nilang biyaya.

"We promise and bow to each other that after you give birth to our angel we will raise him with faith in god, he must be a good boy concerning everyone that surrounds him," ani Abaquita.

"I know it's too cliche to say this but I'm gonna make our family a perfect and respectable one by being the pillar of our home," sweet na mensahe niya sa kanyang partner for life.