Magandang balita dahil bumaba pa sa 12.3% ang seven-day COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) mula sa dating 14.9%.

Ito ay batay na rin sa datos ng independiyenteng OCTA Research Group, na ibinahagi ni Dr. Guido David, sa kanyang Twitter account nitong Lunes.

Ayon kay David, ang positivity rate sa NCR ay bumaba pa sa 12.3% noong Oktubre 22 mula sa dating 14.9% noong Oktubre 15.

Bumaba rin aniya ang positivity rates sa Calabarzon na binubuo ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

National

Clothing store, nag-sorry sa customer na pinaalis dahil sa stroller ng anak na PWD

Gayunman, mayroon naman aniyang pitong lugar sa bansa ang nakapagtala nang pagtaas ng antas ng positivity rates sa mga naturang petsa, kabilang dito ang Cagayan, Iloilo, Isabela, La Union, Misamis Oriental, Pangasinan, at Tarlac.

Ani David, pinakamataas ang naitalang positivity rate sa Tarlac na umabot sa 50.6%, na pagtaas mula sa dating 41.6% lamang.

“Covid 7-day positivity rates as of Oct 22 2022 compared with Oct 15. Decreased in NCR (from 14.9% to 12.3%) and CALABARZON. Increased to high levels in Cagayan, Iloilo, Isabela, La Union, Misamis Oriental, Pangasinan, Tarlac,” ani David.

Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsyento ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19 mula sa kabuuang bilang ng mga taong isinailalim sa pagsusuri.