Pumalag ang vlogger at online personality na nasa hot seat ngayon na si Zeinab Harake dahil sa inilabas na "rebelasyon" ng talent manager at kapwa vlogger na si Wilbert Tolentino laban sa kaniya.

Nag-ugat ang "expose" ni Wilbert dahil sa cryptic post ni Zeinab hinggil sa mga taong akala mo ay mabait at mabuti sa iyo, subalit kung ano-ano naman ang sinasabi at "nanggagago" kapag talikuran na.

Nasaling at nagsiklab si Wilbert dahil marami raw ang nagpapadala sa kaniya ng pribadong mensahe, at tila siya raw ang isa sa mga pinatatamaan ng kaibigan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/24/ang-rebelasyon-wilbert-tolentino-nagsiklab-sa-post-ni-zeinab-harake-may-isiniwalat-laban-sa-kaniya/">https://balita.net.ph/2022/10/24/ang-rebelasyon-wilbert-tolentino-nagsiklab-sa-post-ni-zeinab-harake-may-isiniwalat-laban-sa-kaniya/

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Nadawit pa rito ang iba pang mga vlogger at influencers gaya nina Whamoz Cruz, Toni Fowler, at maging si TV host Robi Domingo, matapos ibahagi ni Wilbert ang screenshots ng umano'y "mga pinagsasabi" ni Zeinab tungkol sa kanila.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/24/zeinab-nanghaharang-daw-di-nakikipag-collab-sa-vloggers-na-wala-siya-mapapala-ispluk-ni-wilbert/">https://balita.net.ph/2022/10/24/zeinab-nanghaharang-daw-di-nakikipag-collab-sa-vloggers-na-wala-siya-mapapala-ispluk-ni-wilbert/

Bilang sagot at pagkontra sa mga isiniwalat nito, nagsagawa ng isang Facebook Live si Zeinab kahapon ng Oktubre 23.

Nilinaw ni Zeinab na hindi niya ginamit si Wilbert at ang pera nito, at kung may ibinigay man ito sa kaniya, galing umano ito sa pinagtrabahuhan niya. Kumbaga sa mga artista, sila ring mga vloggers ay may "talent fee", at noong kasagsagan ng pandemya, kinailangan daw ni Zeinab ng trabaho dahil siya lamang ang inaasahan.

"Bayad po lahat ng mga nakakasama niya," paglilinaw ni Zeinab.

Nilinaw rin niya isa-isa ang tungkol sa mga inilabas na screenshot ni Wilbert, na nagpapakita ng kaniyang mga sinabi sa iba't ibang online personality.

Masama rin umano ang loob ni Zeinab kay Wilbert dahil pakiramdam daw niya, ito ang naglabas ng "ispluk" na blind item tungkol sa kanila ng dating karelasyon na si Skusta Clee o Daryl Ruiz.

Ni-reveal din ni Zeinab na talaga umanong "namamahiya" si Wilbert sa iba pang vloggers, kagaya ng ginawa nito sa kaniya sa latest video nito.

"Sobra ang kahihiyang ibinibigay mo sa tao, hindi ako magpapaawa rito, wala akong pakialam sa awa ng kahit na sino. Kailangan ko sarili ko. Wala na akong pakialam kung anong mangyari sa akin after… importante ngayon sa akin, mailabas ko ang totoo," sey ni Zeinab.

Isiniwalat din ni Zeinab na marami raw sinasabi si Wilbert sa iba pang vloggers kapag nakatalikod na ito, at kagaya ng ginawa nitong pagpapakita ng screenshots ng private message niya sa publiko, ganoon din daw ang ginagawa nito sa iba pa. Cropped umani ito at hindi inilabas ang lahat-lahat.

"Bakit ka ganyan? Tutulong ka, magpiprisinta ka, pagkatapos kapag nagkaroon sa iyo ng utang na loob, isusumbat mo, ipapahiya mo, sasabihin mo lahat… saan yung tulong doon?" sumbat pa ni Zeinab.

Nilinaw din ni Zeinab na ang mga content na ginagawa niya ay sarili niyang pagod, kontra sa sinabi ni Wilbert na ginagamit aniya ni Zeinab ang mga naiisip niyang contents. Wala raw silang utang na loob sa isa't isa. Siya raw kasi ang nagmumukhang pera batay sa mga rebelasyon ni Wilbert.

Hinikayat ni Zeinab ang iba pang vloggers na naka-collab ni Wilbert na magsalita na rin at magsabi ng totoo tungkol sa mga rebelasyon nito laban sa kaniya.

Tumagal nang halos isang oras ang naging live ni Zeinab.