Maglalaro na sa NorthPort sa Philippine Basketball Association (PBA) ang dating player ng Gilas Pilipinas na si William Navarro.

Ito ay nang pumirma ng kontrata sa Batang Pier ang 6'6" all-around forward na dati ring manlalaro ng Ateneo de Manila University.

Kinumpirma mismo ni NorthPort team manager Bonnie Tan nitong Lunes, ang dalawang kumperensya kontrata nila kay Navarro.

Si Navarro ay hinugot ng Batang Pier sa isinagawang 2021 PBA Gilas Draft.

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM

Dati nang pumirma si Navarro koponangSeoul SamsungsaKorean Basketball League. Gayunman, hindi natuloy ang paglalaro nito sa liga nang hindi payagan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) kung saan nakakontrata ito upang maglaro sa Gilas sa loob ng tatlong taon.

Magiging kakampi ni Navarro sa Northport sina Arwind Santos, JM Calma, Prince Caperal, Arvin Tolentino, Kevin Ferrer, at import Prince Ibeh.

Inaasahang maglalaro si Navarro sa laban nila ng San Miguel sa Miyerkules.