Itinapat lang naman ng netizens kay American pop star Ariana Grande ang alindog ng digital content creator na si Pipay.

Viral ang tila “sino ang mas angat, sino ang mas sikat” na tapatan sa isang Facebook group tampok ang “Dangerous Woman” singer at ang sikat na online personality.

Parehong pink ang kulay na tema, kinaaliwan ng fans ni Ariana ang online bardagulan na naman ng netizens nitong Linggo, Okt. 23.

Paglalarawan pa ng uploader, ang American pop star daw ay isang “dangerous woman,” habang si Pipay, isang “babaeng nangangagat.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Laugh trip ang hatid na tapatan online, na anila’y bagaman kalokohan ay nagmumula pa rin sa parehong pagmamahal sa dalawang personalidad.

“Aminin niyo ang ganda pa rin,” anang netizen kay Pipay.

“Ate Pipay, dinodogshow ka nila, lab you ate ♡,” pag-tag pa ng isang miyembro ng Facebook group sa online personality.

Dahil sa sunod-sunod na pag-tag sa kaniya, nag-landing sa mismong page ni Pipay ang naturang tapatan.

Sa loob lang ng tatlong oras, umabot sa mahigit 19,000 reactions ang naturang shared post at naibahagi pa ng kaniyang followers ng nasa mahigit 800 beses.

Si Pipay ay kilala sa kaniyang nakakaaliw na short videos online.

Liban sa kaniyang contents na talaga namang pampa-goodvibes, kilala ring maingay sa isyung panlipunan ang online personality.