Tila nakisabay na rin ang sikat na online personality na si "Senyora" sa trending at nagaganap na "batuhan ng rebelasyon" sa pagitan nina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake, kung saan nadawit na rin ang iba pang vloggers gaya nina Whamoz Cruz, Sachzna Laparan, Toni Fowler, at iba pa.

Ngayong Lunes ng umaga, Oktubre 24, ay nag-post si Senyora ng isang "midterm exam" para sa mga "Mosang".

"Gising na mga mosang eto na ang ating Midterm Exam in Marites 101!"

"NO CHEATING! Deadline of Submission: 6PM", hirit ni Senyora.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Matatandaang sumiklab si Wilbert na magsagawa ng rebelasyon tungkol kay Zeinab dahil sa umano'y cryptic post nito laban sa kaniya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/24/zeinab-nanghaharang-daw-di-nakikipag-collab-sa-vloggers-na-wala-siya-mapapala-ispluk-ni-wilbert/">https://balita.net.ph/2022/10/24/zeinab-nanghaharang-daw-di-nakikipag-collab-sa-vloggers-na-wala-siya-mapapala-ispluk-ni-wilbert/

Sa isinagawang Facebook Live naman ni Zeinab, sinabi niyang sa ibang tao niya iniuukol ang patutsada at hindi sa kaniya.

Ngunit tila huli na ang lahat at 'ika nga ay "The damage has been done" dahil marami nang naisiwalat tungkol sa isa't isa sina Wilbert at Zeinab, at nadamay pa rito ang iba pang online personalities.