Kung kamakailan lamang ay inintriga ng isang netizen ang pag-akbay sa kaniya ng actor-dancer na si Rayver Cruz na kaniyang pinsan, nabiktima naman ngayon ng pekeng balita ang aktres na si Sunshine Cruz, matapos umanong sabihin sa isang showbiz vlog na nagdadalantao siya, at ang itinuturong ama ay ang estranged husband na si Cesar Montano.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/19/sunshine-cruz-sinalag-ang-bintang-ng-netizen-na-sinulot-siya-ni-rayver-cruz-kay-cesar-montano/">https://balita.net.ph/2022/10/19/sunshine-cruz-sinalag-ang-bintang-ng-netizen-na-sinulot-siya-ni-rayver-cruz-kay-cesar-montano/

Ayon sa kaniyang latest Facebook post ngayong Lunes, Oktubre 24, nagtaka raw siya kung bakit may mga kaibigan at fans na nag-congratulate sa kaniya.

"FAKE NEWS! I’ve been sent a few videos about this fake news spreading and nagtataka nga ako na may mga bumabati at congratulate sakin.😂🤭."

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Bilang paggalang sa kasalukuyang partner ngayon ng kaniyang dating mister, nilinaw niyang wala nang namamagitan sa kanilang dalawa ni Buboy.

"Since meron pa ring napapaniwala and as respect sa partner at bagong pamilya ni Cesar, gusto ko sabihin na wala pong katotohanang buntis ako at magpapakasal sa aking ex-husband."