Nag-react ang direktor ng VinCentiments at patok na pelikulang "Maid in Malacañang" na si Darryl Yap sa Facebook post ni Miss Q&A Season 1 Juliana Parizcova Segovia, hinggil sa maayos na pagtanggi nitong mapaunlakan ang imbitasyon ng isang staff mula sa noontime show na "It's Showtime", para sa grand finals ng "Miss Q&A Kween of the Multibeks" na ginanap nitong Sabado, Oktubre 22, 2022.

Ayon kay Juliana, late na niya nabasa ang mensahe, at may prior commitment kaya hindi niya napaunlakan ang naturang imbitasyon.

Huwag raw sanang isipin ng mga taga-Showtime na inisnab niya sila.

Sa caption ng kaniyang FB post, muling pinagdiinan ni Juliana na hindi talaga siya puwede. Nagbigay naman siya ng pagbati sa matagumpay na grand finals, kahit wala ang isa sa mga host nitong si Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

"As much as I want to, kaso hindi talaga keri… Thank you @itsshowtime for inviting me… and to all the Queens of Ms.Q and A Season 3 Best of luck and Congratulations."

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/23/di-keri-juliana-hindi-napaunlakan-ang-imbitasyon-ng-its-showtime-para-sa-miss-qa-grand-finals/">https://balita.net.ph/2022/10/23/di-keri-juliana-hindi-napaunlakan-ang-imbitasyon-ng-its-showtime-para-sa-miss-qa-grand-finals/

Ibinahagi naman ni Yap ang artikulo ng Balita Online at kinomentuhan.

"'Mali na naman…"

"'Ayoko po pumunta kasi kaya lang ako pinapupunta dahil wala si Vice, tapos yung mga kaibigan ko pong sumasali— sinasabihan daw sila sa show na wag na wag babanggitin ang pangalan ko'."

"'Ganon ang sagot Juliana Parizcova'."

Ibinahagi rin ni Yap ang naging tila "private message" sa kaniya ni Juliana.

"Hindi ako maka-comment kainis (laughing emojis)."

Screengrab mula sa FB ni Darryl Yap

Matatandaang pinag-usapan ng mga netizen ang hindi umano paglitaw ni Juliana sa opening ng season 3 ng kompetisyon kung saan siya nagwagi at nakilala, bago pumalaot sa mundo ng showbiz.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/03/juliana-parizcova-segovia-hinanap-ng-madlang-pipol-sa-miss-qa/">https://balita.net.ph/2022/10/03/juliana-parizcova-segovia-hinanap-ng-madlang-pipol-sa-miss-qa/

Sapantaha ng mga netizen, maaaring nabahiran na umano ito ng usaping politikal, dahil sa mga nangyari sa nagdaang kampanya para sa halalan.

Samantala, wala pang tugon o reaksiyon ang kampo ng "It's Showtime" tungkol dito.