Hindi pinalagpas nina dating senador Bam Aquino at dating Vice President Leni Robredo ang unang leg ng Ben&Ben Live On Tour 2022 sa Amerika.

Present ang tandem sa New York concert ng Pinoy 9-member folk-pop band sa Palladium.

Sa isang Facebook post ng dating senador, all-smile sa larawan ang grupo kasama si Aquino at Robredo.

Matatandaang nagsilbing campaign manager ni Robredo si Aquino noong nakaraang eleksyon, habang naging aktibo naman sa ilang campaign rallies at sorties ang Ben&Ben ng noo’y presidential bid ni Robredo sa iba't ibang bahagi ng bansa.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Basahin: Ben&Ben, kumpirmadong tutugtog sa campaign rally ng Leni-Kiko tandem sa Pasig – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang New York leg ng Ben&Ben Live On Tour 2022 ang unang stop ng grupo sa Amerika.

Tutugtog rin ang grupo sa Washington, San Francisco, Chicago at Los Angeles.

Nauna nang naging matagumpay ang tour ng Ben&Ben sa Canada.

An sikat na banda ang nasa likod ng mga kantang “Leaves,” “Kantang Isip,” “Pagtingin, bukod sa iba pa.