Nagdulot ng katatawanan sa social media ang isang groom habang binibigkas niya ang madamdaming wedding vows sa kaniyang bride, na aniya ay "bloopers" lang.

Mapapanood sa Facebook page ng "Chinggoy Futol Photography" ang video ng kasal nina Paolo at Angel, kung saan napahinto ang groom sa panghalip na nagamit niya habang sinasambit ang mga endearment nila ng bride.

"Angelica, taba, baby, love, at ngayon asawa. Yan yung mga tinatawag ko sa inyo, sa'yo," saad ng groom sabay hinto.

"Sa inyo tuloy," natatawang sabi niya, na ikinatawa na rin ng mga panauhin.

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

Paolo at Angel (Screengrab mula sa FB page ng Chinggoy Futol Photography)

Sa pagiging viral nito ay tila nakarating ito sa kaalaman ng Kapamilya TV host na si Luis Manzano at ibinahagi sa kaniyang Instagram post.

Birong hirit ni Luis," It was over bago pa natapos kasal. Wala na finish na 😂😂😂😂 📸 @villaramaangee / Chinggoy Futol photography."

Walang dapat ipag-alala ang lahat dahil maluwalhati namang natapos ang kasalan. Congrats, Paulo and Angel!