Inaasahang pipiliting makuha ng Ginebra San Miguel ang ikatlong panalo laban sa Magnolia Chicken Timplados sa PBA Commissioner's Cup sa Mall of Asia Arenangayong Linggo ng gabi.

Gayunman, hindi pa rin papayag ang Magnolia na madungisan ang kanilang kartada kaya target nilang makuha ang ikaanim na panalo.

Magsisimula ang salpukan ng Gin Kings at Hotshots dakong 6:45 ng gabi.

Katulad ng inaasahan, sasandiganng Ginebra ang 6'6" small forward na resident import na si Justin Brownlee, katulong ang center na si Christian Standhardinger, Stanley Pringle, Fil-Am Jamie Malonzo, LA Tenorio at Scottie Thompson.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Nauna nang inihayagni Ginebra coach Tim Cone, iniiwasan nilang matalo muli katulad ng nalasap nilang 101-93 pagkatalo sa Phoenix Super LPG nitong Oktubre 14.

Hawak ngayon ng Gin Kings ang kartadang 2-2, panalo at talo.

Ipaparada naman muli ng Magnolia ang import na si Nick Rakocevic, katulong ang nagbabalik na sina Ian Sangalang at Rome dela Rosa na nakarekober sa typhoid fever, upang ipagpatuloy ang malinis na rekord na 5-0.