Nagdulot ng kasiyahan sa social media ang isang customized cake na gawa ng isang bakeshop mula sa San Miguel, Bulacan kung saan mababasa ang viral na pahayag ng panganay na anak ni "Magandang Buhay" Momshie host Melai Cantiveros, na si Mela, na nilutuan niya nang favorite ulam nitong chicken nuggets.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/13/picture-ni-melai-at-ng-anak-na-si-mela-kinagigiliwan-ng-mga-netizen/">https://balita.net.ph/2022/10/13/picture-ni-melai-at-ng-anak-na-si-mela-kinagigiliwan-ng-mga-netizen/

Mababasa sa cake ang "Mama, thank you very much! You know I love chicken nuggeettssss!!!"

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Larawan mula sa FB page ng Liza's Bakeshop - San Miguel, Bulacan

Makikita pa sa ibabaw ng cake ang mga disenyong chicken nuggets.

Salaysay ng may-ari ng bakeshop, labis din silang naaliw sa viral video ng mag-iina kaya naisipan nilang gawan ito ng cake.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Parang naririnig ko si Mela hahahaha."

"Sana mapansin ni Melai ito! Kakatuwa!"

"Grabe, bakit parang naririnig ko yung anak ni Melai habang binabasa 'to?"

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/07/epekto-ng-chicken-nuggets-gusto-ko-nang-bumitaw-ng-mga-anak-ni-melai-kinagiliwan-din-ng-mga-netizen/">https://balita.net.ph/2022/10/07/epekto-ng-chicken-nuggets-gusto-ko-nang-bumitaw-ng-mga-anak-ni-melai-kinagiliwan-din-ng-mga-netizen/

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/08/i-love-chicken-nuggets-may-viral-music-na-rin-inang-si-melai-tawang-tawa-sa-reactions-ng-netizens/">https://balita.net.ph/2022/10/08/i-love-chicken-nuggets-may-viral-music-na-rin-inang-si-melai-tawang-tawa-sa-reactions-ng-netizens/