Masarap mag-aral at lagyan ng laman ang kaisipan kung may laman din ang tiyan.

Umantig sa puso ng mga netizen ang ibinahaging litrato ng isang mag-aaral na nagngangalang "Karylle Solis" na nagpapakita ng takdang-aralin o assignment ng kanilang gurong si "Ma'am Erieth" para sa klase.

"Magdala ng sariling mangkok at kutsara sa Friday, magpapasopas si Mam!," mababasa sa SMART TV ng guro.

"Pinakamasayang assignment na yata 'to," naiiyak na caption ng mag-aaral.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Marami naman sa mga netizen ang halos maluha sa kabutihan ng puso ng naturang guro. Anila, kahanga-hanga ang mga kagaya ni Ma'am Erieth, na kahit hindi naman kataasan ang suweldo ng mga guro, ay nagagawa pa ring magmalasakit para sa kaniyang mga mag-aaral.

Kudos, Ma'am Erieth! Sana po ay dumami pa ang mga kagaya ninyo!