Ibinahagi ng kauna-unahang "Miss Q&A" ng noontime show na "It's Showtime" na si Juliana Parizcova Segovia na hindi niya napagbigyan ang hiling ng staff ng noontime show, na kung puwede ba siyang dumalo nang live sa gaganaping grand finals ng "Miss Q&A Kween of the Multibeks" na tinawag nilang "Miss Q&A Queenfinity War".

Makikita sa latest Facebook post ni Juliana ang screengrab ng usapan nila ng isang staff mula sa noontime show kung saan iniimbitahan siya nito sa live telecast ng grand finals nitong Sabado, Oktubre 22, 2022.

Tumugon naman dito si Juliana at magalang na tumanggi dahil may shooting pa raw siya.

"Pasabi po sa Showtime goodluck at maraming salamat sa imbitasyon…"

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Hirit pa ni Juliana, sana raw ay huwag masamain ng staff ang kaniyang pagtanggi.

"Wag po sanang isipin nila na inisnab ko sila. Salamat po."

Sa caption ng kaniyang FB post, muling pinagdiinan ni Juliana na hindi talaga siya puwede. Nagbigay naman siya ng pagbati sa matagumpay na grand finals, kahit wala ang isa sa mga host nitong si Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda.

"As much as I want to, kaso hindi talaga keri… Thank you @itsshowtime for inviting me… and to all the Queens of Ms.Q and A Season 3 Best of luck and Congratulations."

Matatandaang pinag-usapan ng mga netizen ang hindi umano paglitaw ni Juliana sa opening ng season 3 ng kompetisyon kung saan siya nagwagi at nakilala, bago pumalaot sa mundo ng showbiz. Sapantaha ng mga netizen, maaaring nabahiran na umano ito ng usaping politikal, dahil sa mga nangyari sa nagdaang kampanya para sa halalan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/03/juliana-parizcova-segovia-hinanap-ng-madlang-pipol-sa-miss-qa/">https://balita.net.ph/2022/10/03/juliana-parizcova-segovia-hinanap-ng-madlang-pipol-sa-miss-qa/

Samantala, ang itinanghal namang Miss Q&A Kween of the Multibeks ay si Anne Patricia Lorenzo.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/23/may-tao-bang-tanga-final-answer-ni-miss-qa-kween-of-the-multibeks-anne-patricia-lorenzo-usap-usapan/">https://balita.net.ph/2022/10/23/may-tao-bang-tanga-final-answer-ni-miss-qa-kween-of-the-multibeks-anne-patricia-lorenzo-usap-usapan/