Binuksan ng Diocese of Kalookan Archives and Museum ang "The Popes," isang exhibit ng pinakamalaking koleksyon ng mga selyo na may mga larawan ng iba't ibang Santo Papa.

Ang nasabing exhibit ay naganap sa Old Sacristy, San Bartolome Parish Compound, Malabon City, ngayong Oktubre 22, 2022.

Ang koleksyon ng 2,398 na selyo ng 38 papa ay pag-aari ni Kim Robert de Leon, undersecretary ng Department of Transportation, na mula sa Navotas City.

Kasama sa Guinness Book of World Records ang kanyang koleksyon noong Pebrero 22, 2022, matapos maganap ang pagbilang ng mga selyo sa loob ng isang parokya.

Metro

Doktor, patay nang tikman umano ang inuming ipinadala ng pasyente

Si De Leon ay nagsimulang mangolekta ng mga selyo bilang isang libangan. Karamihan sa kanyang koleksyon ay kay Pope St. John Paul II, na bumisita sa bansa noong 1981 at 1995; at Pope Francis noong 2015.

Ang exhibit ay tatakbo mula Oktubre 22-31, 2022.

Samantala, nagpadala ng mensahe ang Embassy of the Philippines to the Holy See para kay De Leon, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, at Diocesan Archives and Museum sa katagumpayan ng nasabing exhibit.

Naniniwala si Ambassador Myla Grace Ragenia Macahilig na patunay lamang ang ganitong gawain sa malalim na pananampalataya sa simbahan.

Aniya, "The sheer number of items in the collection is impressive enough. But more than that, I believe that the dedication and commitment shown in collecting, preserving and curating these items attest to our deep faith in the Mother Church and the respect and reverence we attach to the Holy Father as its head."

"As we enjoy the exhibit, may we give a thought and a say a prayer to these men who have dedicated their lives to the faith and the church, most especially to Pope Francis, our Lolo Kiko. May their dedication and conviction strengthen our own and keep us true to the teachings of the faith," dagdag pa ni Macahilig.